^

Pang Movies

Ang lala, male TV host amoy basura ang hininga!

Ruel Mendoza - Pang-masa

MANILA, Philippines — May hindi kaaya-aya sa hininga ng male TV host na ito. Pero nahihiya raw magreklamo ang kanyang mga kasama sa show.

Kapag nagbo-voice over daw ito, humahawa ang kanyang mabahong hininga sa ginamit nitong microphone.

Kapag kakuwentuhan daw nila ito sa dressing room, may masamang amoy na nanggagaling sa bibig nito. Kaya minsan ay niyayaya nilang sa labas sila ng dres­sing room magkuwentuhan para nga naman hindi makulong ang amoy at nakakahiya naman daw na magtakip sila ng ilong habang kausap si male TV host.

Sey ng source: “Parang kumakain daw yata ng basura si male TV host. Naka­kagulat lang kasi nagpo-promote siya ng healthy lifestyle, pero bakit ang baho ng bibig niya? Baka raw may kinalaman sa mga iniinom niyang mga herbs at kung anu-ano. ‘Yun naman daw minsan ang side effect. Minsan nagde-develop ka ng halitosis kasi hindi pa raw matanggap ng bituka mo ‘yung mga pagbabago. Kaya siguro gano’n ang nangyayari sa hininga niya. Unless may nabubulok siyang ngipin!”

Dahil nahihiya raw silang sabihin nang diretsahan na bad breath si male TV host, pasimpleng inaalok siya ng mga menthol candy para matakpan ang nakaka­sukang amoy ng bibig niya.

LIFESTYLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with