Nakasama na naman si Gerald Anderson sa relief operations sa lalawigan ng Batangas ng Philippine Coast Guard.
Hiningi na nila ang tulong ng coast guard dahil hindi na nila ma-rescue ang mga taong nakulong ng malalim na baha. May mga lugar na nanatiling nakalubog pa rin sa malalim na baha makalipas ang tatlong araw matapos ang bagyo, at may mga lugar pang hindi pa naabot ng tulong kaya humingi na sila ng saklolo sa coast guard.
Nagkataon namang hindi busy si Gerald kaya sumama siya sa rescue operations at inulat niya ang ginawa nilang pagliligtas sa mga pamilyang nakulong ng baha sa Quezon City.
Ang kaibahan nga lang, ang ginawa nila sa Quezon City sa kasagsagan ng bagyong Carina ay ginawa lamang niya upon his own decision, ngayon namang bagyong Kristine, ginawa na niya iyon kasama ng Philippine Coast Guard kung saan siya kabilang bilang isang reservist.
John Wayne, na-inquest na!
Ang tagal nang walang balita sa artista at dancer na si John Wayne Sace dahil matagal na naman siyang walang assignment sa ABS-CBN na dati siyang napapanood.
Pero ngayon biglang pumutok ang pangalan niya matapos siyang hulihin ng mga alagad ng Eastern Police District dahil sa kaso ng pamamaril sa kanyang kaibigan.
May mga nagsasabing ang alitan ng dalawa ay kaugnay ng kaso sa doga.
Na-inquest na kahapon ang dating actor.
Mga pelikula, nasasapawan ng bagyo?!
Tuloy rin si Vilma Santos Recto sa pagkilos para sa mga nasalanta ng baha. Kinukumusta niya ngayon ang mga nagsipagbalik na sa kanilang tahanan mula sa evacuation centers, na sinasabayan din niya ng inspeksyon sa mga eskuwelahan na pinasok at nasira ng baha.
Kasabay noon naghahanda na naman silang ilikas na muli ang mga tao kung lalakas nga ang bagyong si Leon na sinasabing aakyat sa isang super typhoon category.
May warning pa na baka magkakaroon ng “fujiwara effect,” ibig sabihin ay baka mahila pa ni Leon ang nakaalis nang bagyong Kristine pabalik sa PAR (Philippine Area of Responsibility).
Pero sana nga matapos na ang mga bagyo para makaarangkada naman ang Metro Manila Film Festival.
Showbiz gay, maraming ebidensya sa mga nahada!
Usap-usapan ang escapades ng isang sinasabi nga nilang “napakasuwerteng showbiz gay.”
Ang nasabing showbiz gay ay napakatahimik at pormal sa mga showbiz gathering, hindi mo siya makikitang nakikihalubilo o nakikigulo, kaya marami ang nabigla nang lumabas ang kanyang mga showbiz escapades lately.
Ang latest na nangyari lang daw nitong bagyuhan. Habang baha-baha na sa ibang lugar, nakasama niya ang isang bagets pang male star na syota ng isang sikat na actress. Nahagip din niya ang sikat na naging boyfriend din ng isa pang female star na malandi rin naman kasi. Bukod iyan sa alaga niyang poging male star na sumasali sa BL series.
Inggit na inggit sa kanya ang ibang mga bading sa showbiz, lalo na nga’t may ebidensiya siyang talagang nahada niya ang lahat ng sinasabi niya. Marami kasi siyang “compromising pictures” na kasama ang male personalities na sinasabing nahada niya, bukod pa sa “ibang souvenirs.”
Mukha nga raw photo gallery ang bahay ng bading kung saan naka-display ang pictures niyang kasama ang mga naka-date niyang celebrities na lahat ay naka-nude.
At ayun ang rason kaya pala ayaw niya ng bisita sa bahay niya.