Ba’t nga ba pinipilit hanapin si Angel Locsin dahil lang maraming sinalanta ang bagyong Kristine?
Wala bang ibang katulad ni Angel na pwedeng tumulong?
Paano kung ayaw talagang pakita ni Angel at gusto talagang maging normal sa buhay na walang usap-usapan?
Imagine nga naman, kung bigla siyang magparamdam at tutulong sa mga relief operation eh ‘di siya ang pagpi-pyestahan.
Hayaan n’yo ang taong ayaw magpakita. Tantanan ninyo si Angel.
‘Wag i-pressure.
Mind your own business noh. ‘Yung mga naghahanap sa kanya ang magbigay ng tulong sa mga sinalanta ng bagyo.
Robin, nag-trending sa pagtatanggol kay papa Digong!
Grabe ang trending ni Robin Padilla kahapon dahil sa Senate hearing na ginanap.
Imbyerna ang mga netizen dahil daw dumalo lang ito sa nasabing pagdinig upang ipagtanggol si former President Digong Duterte na humarap sa mga senador kahapon kaugnay sa imbestigasyon sa war on drugs.
Siguradong ang ilan sa mga imbyerna ay kabilang din sa mga bumuto kay Robin noong election. Remember number 1 senator siya?
Naku bahala kayo sa buhay n’yo noh. Dapat kasi ‘wag lang puro trending ang tutukan n’yo, magbasa rin kayo ng dyaryo. Pero sa totoo lang, gulat ako kay Papa Digong ha, dumalo talaga siya sa Senado. Kung ako ang naging presidente ng Pilipinas at pinatawag ng Senado, hindi ako dadalo. Joke joke joke.
Hahahaha. ‘Yun lang at babu na.