^

Pang Movies

Netizens napapalakpak...Anne kinukwestiyon din ang ‘dinoktor’ daw na budget sa Senado

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Netizens napapalakpak...Anne kinukwestiyon din ang ‘dinoktor’ daw na budget sa Senado
Anne Curtis

Puring-puri ng netizens si Anne Curtis dahil sa pagkakaroon nito ng stand sa naging pahayag ni former Undersecretary of the Department of Finance Cielo Magno tungkol sa 2024 budget ng Pilipinas.

Inire-share ni Anne sa kanyang X account ang video ng panayam ni Magno kung saan ay sinabi nito na binibigyan niya ng failing grade ang pag-a-allocate ng budget ng gobyerno sa Pilipinas.

Sa nasabing video ay sinabi ng U.P. School of Economics associate professor na dinoktor-doktor daw ang budget for 2024.

“Ang nangyari dito sa 2024, pagkatapos na mag-bicam, dinoktor doktor nila! Completely! Bi­nago bago. So alam mo nangyari? After mag-bicam, yung budget ng Senado lumaki by 2 billion pesos. Yung budget ng House of Representatives lumaki by 12 billion pesos,” pahayag ni Magno.

Obviously ay pinanood ni Anne ang nasabing panayam at ini-reshare nga niya ito. Sa caption ay sinabi ng aktres ang kanyang opinyon tungkol dito.

“ANG laki laki ng budget Nila. Mapapatanong ka Talaga e. Kamusta nga ba ang performance so far ng bawat department? Sakit sa heart,” pahayag ni Anne.

Nag-viral ang post na ito ni Anne at pinalakpakan siya ng mga netizens for speaking up.

Sabi ng isang netizen sa reddit, “Sa recent post ni Anne sa X, she reposted a video of Cielo Magno explaining the inconsistency in the process of government for budget allocation and approval. Totoo naman sabi ni Anne, nasaan nga naman ang mga bilyong-bilyong funds sa mga panahon ng bagyo at sakuna.”

“Diba!!! She is really a true queen. Socially aware, humble na artista, kapag nagdodonate yan madalas tahimik lang. Nothing or no one can really make me hate Anne,” komento naman ng isa pa.

“Politically and socially aware queen!” papuri naman ng isa pa.

Sharon, pinintasan ang sarili

Panay ang updates nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta sa kanilang fans ng mga kaganapan sa katatapos lang na Dear Heart concert nila sa California.

Makikita nga sa mga larawan ang mga sweet moments nila during the concert kaya for sure ay kinilig na naman ang kanilang fans.

Sa isang reel nga na ipinost ni Gabby ay makikitang hinahaplos pa niya ang pisngi ni Shawie. At nag-post din siya ng old video nila na ganu’n din ang kanyang ginagawa sa dating asawa na ibig sabihin, hobby niya itong gawin kay Sharon noon pa.

Caption ni Gabby, “So many happy faces. We enjoyed your company. More shows to come!”

Sa isang post naman ni Megastar ay makikitang magkasama sila ni Gabby sa larawan at sey niya sa caption, “Rehearsals at Saban today!”

Sa comment section ay nag-react ang anak nilang si KC Concepcion ng sparkles and smiling face emojis.

Kaaliw ang isang post ni Mega na pinipintasan niya ang sarili sa kanyang suot na gown. Nagmukha raw siya kasing mataba.

“Naku di ko nabigyan ng justice ang damit na ito - bakit napakataba ko suot ito tonight nung fitting hindi?!!!” sey ni Shawie sa caption.

Nag-sorry siya sa kanyang fashion designer at iginiit na hindi raw siya tumaba.

“Sorry @jotlosa Nanay’s fault! Pero di ako tumabaaaa!!!” aniya.

“Do you want to be a snowman..? No just build one!” pang-ookray pa ni Sharon sa sarili.

Kinontra naman siya ng mga netizens at sinabing hindi naman siya mataba at hindi naman daw ‘yun ang mahalaga.

“@reallysharoncuneta You looked amazing! saw it when my own eyes tonight!” sey ng isang fan.

“Ok lang yan mama @reallysharoncuneta importante po pinakilig nyo kami abot langit naman mga ngiti namin @concepciongabby,” sey naman ng isa pa.

Ang katatapos lang na concert ng dating mag-asawa sa Harrah’s Resort, Southern California ay first of the 8 shows ng kanilang Dear Heart USA & Canada tour.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with