Jake inalalang pinakamahirap ang dinanas sa breakup nila ni Kylie, Chie at ex maraming beses nagkita
Hindi pa nagkakaroon ng pagkakataon na makaharap ni Jake Cuenca ang ex niyang si Kylie Verzosa.
Hindi raw sa iniiwasan niya, pero mas nagkikita pa nga raw si Kylie at girlfriend niyang si Chie Filomeno.
“Yeah, we have no problem. Parang for me naman, I just... pero wala pa kaming instance na nagkita,” sabi niya nang kumustahin ang actor tungkol sa sexy actress kung saan naging kontrobersyal ang kanilang paghihiwalay.
“Yeah, ‘di pa kami nagkikita. But there shouldn’t be a problem. Actually, sila ni Chie, lagi silang nagkikita, like events and stuff. Pero ako, I haven’t had the chance. Not that I’m avoiding or anything. Hindi lang pa nagkakataon. Sabi ko nga, it’s a small industry. But you can be focused on different things talaga.
“The world of events and all that, as nice as that is, parang my priority is more in the world of showbiz. Therefore, I am focused on creating movies, plays, and TV shows,” paliwanag ng actor.
For the record, nahirapan ba siya talagang mag-move on noon? “Mag-move on? I think it was definitely difficult. I’m not going to lie. Kasi, syempre, if you remember, sobrang ano sya eh. It was so high-profile, ‘yung relationship na ‘yun.
“At the same time, parang ang dami naming pinagdaanan din together. But, sabi ko nga, ‘di ba? Like what I said in my last interview with Miss Bernadette (Sembrano). Sabi ko, it was the hardest thing also. Syempre, it was the hardest thing. Very difficult. But it was necessary. Parang na-realize ko in that process; in that process, na pinagdaanan ko, it’s bigger than her. It’s more me. Parang buhay ko na ito eh, ‘di ba? So parang, and no one’s coming here to save me. I have to save myself, ‘di ba?
“I’m a 36-year-old man; ako lang gagawa nito. But in that process, I realized, parang, ‘di ba? A year after it, kunwari ngayon, I’m grateful na pinagdaanan ko ‘yun eh, because it really pushed me. It left me in a position where failure was not an option.
“There was not a lot to lose anymore. Parang hirap ng sitwasyon na ‘yun. Pandemic, inubos ka ng pandemic. Of course, staying loyal to ABS-CBN comes with a price. You can’t really take, you know, limitado lang mga pwede mong gawin. So it’s hard, ‘di ba?
“Syempre, like, these contracts got frozen because, syempre, the networks are not making money. So, ang hirap, sobrang hirap ng sitwasyon na ‘yun. It was very hard,” seryoso at mahabang kuwento pa ni Jake.
“But, again, it was necessary. And now, when I look back at it, I’m happy I went through it. I’m happy I came out of it alive. I’m a better person. But more importantly, I’m humbled because of it. Parang, mas nare-realize ko na, you know, everything can be taken away from you. The only thing I can really do, the only thing I can really fall in love with, the only thing I can invest in is my artistry, my craft,” sabi pa ni Jake sa naranasan sa relasyon nila ni Kylie.
Anyway, overwhelmed si Jake na siya ang tinatawag Eddie Garcia ng bagong henerasyon.
“For me, to be honest, parang I was so overwhelmed with the words that they used for me. Kasi of course, idol ko si Tito Eddie. So when they put my name in the same breath as Tito Eddie Garcia, I’m like over the moon with that. And that came pa from Inang (Olive Lamasan). That came also from my mentors. So there’s pressure with those words,” pag-amin pa ng actor.
P300K sa stunt at pag-piano sa revolving platform ni Ogie, diretso sa mga binagyo
Wagi bilang Magpasikat 2024 grand champion ang team nina Ogie Alcasid, Kim Chiu, Lassy, at MC Muah matapos nilang maayos na maihatid ang mensahe nilang ‘tigil, pahinga, kalma’ at makuha ang pinakamataas na scores mula sa mga hurado noong Sabado (Oktubre 26).
Hindi inaasahan ni Kim ang panalo at sinabing masaya na silang nagawa nang maayos ang kanilang performance lalo pa at marami silang hinarap na pagsubok.
“Hindi namin in-expect kasi sabi namin hashtag acceptance bahala na basta nagawa namin ‘yung prod namin. Malaking bonus na lang manalo,” sabi niya.
Ang first time naman manalo sa Magpasikat na si Ogie ay ibinahagi kung gaano siya ka-proud sa kanyang grupo sa mga sakripisyo nito at masaya rin siyang nakuha ng viewers ang kanilang mensahe.
“I’m just proud of all of them lalo na sa staff namin kasi binuhos talaga namin. We left it on the floor and let our works speak for ourselves. Masaya kami kapag nababasa namin ‘yung comments na naintindihan nila ‘yung gusto namin sabihin. More than anything else ‘yung makuha nila ‘yung message namin na ‘tigil, kalma, pahinga’ eh napaka-importante talaga,” pagbabahagi niya.
Bukod sa kanilang mensahe, kinabiliban ng publiko ang trapeze stunt ni Kim, ang pag-piano ni Ogie sa revolving platform at ang kauna-unahang paggawa ng stunts nina MC at Lassy. Nanalo sila ng P300,000 na kanilang ibibigay sa mga nasalanta ng bagyong Kristine sa pamamagitan ng Angat Buhay foundation.
Inuwi naman ng team nina Jhong Hilario, Jackie Gonzaga, at Cianne Dominguez ang second place matapos nila bigyang importansya ang mental health at nakakuha sila ng P200,000 para sa kanilang chosen charity. Nakuha naman ng team nina Anne Curtis, Jugs Jugueta, and Teddy Corpuz ang third place at nanalo sila ng P100,000 nang ipinagdiwang nila ang anibersaryo ng show sa pagsariwa ng core memories nila sa nakalipas na labinlimang taon. Samantala, ang team nina Vice Ganda, Karylle Tatlonghari-Yuzon, at Ryan Bang na ibinida ang pag-asa sa kanilang performance at ang team nina Vhong Navarro, Ion Perez, Darren Espanto, at Amy Perez na hinikakayat ang madlang people na patuloy na gumawa ng mabuti ay parehas na nanalo ng P50,000 para sa kanilang chosen charities.
Nagsilbi naman bilang mga hurado na kumilatis sa performances ng Magpasikat 2024 ang television at film director na si Rory Quintos, beauty queen at aktres na si Alice Dixson, Kapamilya heartthrob na si Donny Pangilinan, Kapuso actress na si Gabbi Garcia, at former ABS-CBN president at Pilipinas Got Talent judge Freddie M. Garcia.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang hosts sa bosses ng ABS-CBN at GMA at ibinahagi nila ang kanilang mensahe para sa kanilang 15th anniversary bago ang announcement.
Lubos naman na tinutukan ang nasabing anunsyo ng Magpasikat 2024 kaya naman trending worldwide ang hashtag nitong #ItsShowtimeKinseyyy at nakalikom sila ng 369,498 peak concurrent views.
- Latest