Big Night ng PBB humataw ng mahigit 2 million viewers, Fyang Big Winner

Melai at Fyang
STAR/File

Waging-wagi ang “Anakabogerang Influencer ng Mandaluyong City” na si Fyang matapos hiranging Big Winner sa makasaysayang Big Night ng Pinoy Big Brother Gen 11 noong Sabado (Oktubre 26) na nagtala ng mahigit 2.26 milyong live online views sa YouTube at Facebook ng ABS-CBN Entertainment.

Nakakuha si Fyang ng pinakamataas na public votes with 30.66% para maging ika-18 na Big Winner ng sikat na reality show. Mag-uuwi siya ng bagong house and lot mula sa Vista Land and Lifescapes Inc. at P1 milyong cash.

Lubos ang pasasalamat ni Fyang sa mga sumuporta sa kanya. Aniya, “I can’t believe this! I want to thank every one of you, who has supported me since day one. I did it!”

Gumawa ng kasaysayan ang PBB Gen 11 sa pagtala nito ng pinakamataas ng live online views noong Big Night kung saan tinutukan ng mga manonood kung sino ang hihiranging Big Winner.

Second Big Placer naman si Rain na nakakuha ng 26.05% ng mga boto at mag-uuwi ng P500,000, habang Third Big Placer naman si Kolette na may 25.91% ng mga boto at P300,000 cash prize.

Fourth Big Placer naman si Kai na nakakuha ng 17.38% ng mga boto at mag-uuwi ng P200,000 at special prizes.

Nanalo rin ang Big Four ng round trip package to Korea at magiging official ambassadors ng Lazada.

Show comments