^

Pang Movies

Max, ‘di napanindigan ang tungkol sa kasal?!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Max, ‘di napanindigan ang tungkol sa kasal?!
Max, Pancho at Skye
STAR/File

Marami ang natuwa sa ipinost na video ni Max Collins kung saan buo ang pamilya nila kasama ang dating mister na si Pancho Magno at anak nilang si Skye.

“Family fit (watch until the end)” caption niya sa kanyang video at sa huli nga ay makikita ang ex niya at ang anak nila.

Kaya naman napatanong ang fans kung nagkabalikan na nga raw kaya talaga ang dalawa?

Makikita kasi ang dalawa na nagkokomento sa posts ng isa’t isa nitong mga nakaraang buwan kaya nagkaroon ng ispekulasyon ang mga netizen kung nagkaayos at nagkabalikan na ulit sila.

Maaalalang noong May ngayong taon lamang nang kumpirmahin ng aktres na hiwalay na sila ni Pancho.

Hindi raw siya nagsalita tungkol dito dahil marami silang pinagdaanan bilang pamilya noong pandemya, nang manganak siya at nasira ang pagsasama nilang mag-asawa.

Kung totoo raw nagkabalikan na sila, kinain daw kaya ni Max ang kanyang sinabi na hindi na siya naniniwala sa kasal?

Maaalala ring sinabi nito ilang buwan ang nakalipas na hindi na siya naniniwala roon para sa sarili pero naniniwala naman daw siya para sa iba. Hindi raw ito basehan ng pagmamahal. Pwede pa rin daw magmahalan kahit hindi kasal dahil commitment daw ito. Hindi raw ibig sabihin na kasal na ang magkarelasyon ay forever nang magkasama.

Masaya naman ang mga tagahanga nila kung sakaling nagkabalikan na ang ex-couple dahil hindi raw nagpatutsada ang dalawa noong kasagsagan ng hiwalayan nila kaya dapat nga raw tularan sila ng ibang mga celebrity couple na naghihiwalay. Bongga.

vuukle comment

MAX COLLINS

PANCHO MAGNO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with