Angel, dedma ulit sa mga winasak ng Kristine

Angel Locsin
STAR/File

Kung dati ang naririnig lang natin, ang stars ay nagbibigay ng kanilang donas­yon para sa mga biktima ng kala­midad sa pamamagitan ng kanilang networks na kinabibilangan, maliban lamang kay Angel Locsin na noon na kasama ng Red Cross at gumagawa rin ng sarili niyang relief operations. Ngayon tila ang stars ay nagsasarili na ng lakad.

Una naming narinig ay ang Daniel Padilla Hatid Tulong project na isinapubliko ng kanyang inang si Karla Estrada.

Napansin din namin ang balita na si Bea Alonzo at si Donny Pangilinan ay nagpaabot din ng kanilang tulong sa pamamagitan ng Angat Buhay Foundation, ang samahang itinatag ni Leni Robredo.

Ang television host na si Willie Revillame na tumatakbo ring senador ay nagtungo pa nang personal kay Robredo at nagbigay ng donasyong tatlong milyong piso.

Umabot na rin daw sa mahigit na dalawang milyong piso ang ayuda na napakawalan ni Vilma Santos at ng kanyang mga anak sa lalawigan ng Batangas, bukod pa iyon sa mga donasyong in kind na nakuha ni Vilma at naisama rin nila sa kanilang relief bags.

Samantala, wala na namang paramdam si Angel Locsin. Pero hindi kami naniniwalang hindi siya kumikilos. Aywan pero basta ang isang tao kasi nakasama sa Red Cross, kahit na papaano hindi matatahimik iyan kung may ganyang kalamidad.

Pero salamat na nga lang, likas sa mga Pilipino ang nakikiramay sa kapwa, kaya marami pa rin ang nagpapaabot ng tulong sa mga biktima ng ka­lamidad. Pero hindi pa sila matitigil dahil dalawang araw lamang natahimik may bagyo na naman, ang bagyong Leon.

Male star na may karelasyong aktres, tuloy pa rin ang pagraket sa mga bading!

Kasagsagan ng bagyo, may kuwento pa rin ng kahalayan.

Nakita raw ng isang gay ang isang male star na isang maliit na coffee shop nagkakape ang male star dahil may taping sila na malapit lang doon. Dahil magkakilala na naman sila dati dahil sa isang nagpapanggap na movie writer na pimp, nadako raw roon ang usapan nila.

“Kahit na guwapo na siya noon matapos na magparetoke ng mukha suma-sideline pa rin daw siya at P5K ang budget, hihintayin ko na sanang matapos ang taping nila eh, kaya lang P4K lang ang cash ko noon,” sabi ng bading.

Ano kaya ang sasabihin ng syota niyang aktres kung malalaman na siya pala ay suma-sideline pa? Hindi kaya siya isplitan noon at patangay na lang sa ka-love team niya?

Show comments