Hinahanap pa rin ng aktres na si Sylvia Sanchez ang tatay niya na umabandona sa kanila noong bata pa siya.
Ibinahagi niya sa programa ni Boy Abunda na Fast Talk with Boy Abunda na grade 5 pa raw siya nang huli niyang makita ang tatay niya na nagngangalang Roberto Campo.
Ang alam daw ng pamilya nila ay nasa Brazil ito pero hindi nila alam ang eksaktong address nito.
Grade 5 pa raw siya nang huli itong umuwi at sinabi nitong babalik ito kapag Grade 6 na siya sa graduation niya pero hindi na raw niya ulit ito nakita.
Pero nagulat daw siya nang makatanggap siya ng text galing sa tiyahin niya sa Mindanao na nagbigay ng address ng tatay niya.
Nang tanungin kung ano ang plano niya ay sinabi nitong pupuntahan niya ito buhay man o patay para magkaroon sila ng closure.
May mga nagsabi raw na buhay pa ito pero may iba naman daw na nagsabi na patay na raw ito.
Kung patay man daw ito ay gusto niyang magpaalam at magpasalamat dahil ito raw ang naging inspirasyon niyang magpursigi sa buhay.
Napatawad na raw niya ito sa kabila ng pag-iwan sa kanila lalo na noong makatanggap siya ng award noong taong 1992 bilang Best Supporting Actress sa Metro Manila Film Festival.
Nanawagan pa raw siya noon na gusto niya itong mayakap at makita at hindi niya kailangan pa ng paliwanag nito pero mukhang wala ngang nangyari dahil hanggang ngayon ay hinahanap pa niya ito.
Hay, sana naman ay makita niya ito.