Nora, nag-iikot para mag-solicit!

Nora

Naglunsad din ng isang donation drive si Superstar and National Artist Nora Aunor para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine sa Bicol.

As we all know ay tubong Iriga, Camarines Sur si ate Guy kaya naman labis din siyang nalulungkot para sa mga kababayan niyang na­ging biktima ng bagyo.

Makikita sa Facebook page ni Ate Guy ang pangangalap niya ng donasyon.

Ang sipag nga niya dahil nagpunta pa siya mismo ng personal kay Boss Toyo para hingan ito ng donasyon.

Makikita sa latest vlog ni Boss Toyo na Pinoy Pawnstars ang pagbisita ng Superstar sa kanyang shop.

Dala-dala ni Ate Guy kay Boss Toyo ang kanyang white dress na isinuot niya nang maging kampeon siya sa grand finals ng Tawag Ng Tanghalan in 1967.

Pero nilinaw agad ng Superstar na hindi niya ibinebenta ang damit at dinala lang niya kay Boss Toyo para makita nito.

Sinabi naman ni Boss Toyo na kung pepresyuhan niya ang nasabing damit ay aabot ito sa P5 million at kung mabibili niya ay ilalagay raw niya sa kanyang museum.

Pero sey ni Ate Guy, ilalagay rin daw sa museum ang nasabing damit.

Gayunman, ayon kay Boss Toyo, kung magbabago ang isip ni Ate Guy ay willing siyang bilhin ang dress for P5M dahil nag-iisa’t very memorable raw ang damit na ito since dito nga nagsimula ang pagsikat ng ating Superstar.

Nag-donate naman ng P250,000 si Boss Toyo sa fundraising drive na isinasagawa ni Ate Guy kaya naman abut-abot ang pasasalamat ng Superstar sa kanya.

Chito, nagpasalamat na nakaalis sa Sorsogon!

Masayang-masaya si Parokya ni Edgar vocalist Chito Miranda na kapi­ling na niya ang kanyang pamilya ngayon matapos ang hirap na pinagdaanan dahil sa bagyong Kristine.

Matatandaang na-stranded ng ilang araw ang Parokya ni Edgar sa Sorsogon after ng show nila last Monday dahil sa pananalasa ng bagyo.

And finally, nakauwi na nga si Chito sa kanyang pamilya na na-miss niya ng ilang araw.

Nag-post ang asawa ni Neri Naig ng larawan kasama ang anak na katabi niyang natutulog. Sa caption ay ibinahagi niya ang mga hirap na dinaanan niya because of the super typhoon at kung paano sila nakauwi.

Kasunod nito ay pinasalamatan niya ang mga tumulong sa kanila pero siyempre, una rito ang pasasalamat kay Lord na nakauwi sila ng ligtas.

“Thank You, Lord, for kee­ping us safe and healthy, and for bringing us back home safely to our families. You Da Best.

“Salamat sa family na kumupkop at nag-alaga sa amin sa Sorsogon (maraming salamat po).

“Salamat sa Captain at sa Crew ng flight namin for making sure that everyone was safe and comfortable during the 45min flight na na­ging 5hrs. (at sa nagpahiram sa akin ng po­werbank para ma-update ko si Neri)

“Salamat sa mga kabanda ko, at sa TopBeat Crew at Soundcheckers for making everything feel like an adventure.

“Salamat din sa mga nanood sa gig namin nung Monday kahit bumabagyo...sana safe and healthy kayo lahat,” saad ni Chito.

Show comments