Vice at Vic, favorite na ng bashers!
Marami ang nagtataka kung bakit sina Vice Ganda at Vic Sotto laging may pelikula sa festival. Natatandaan namin minsan lang siyang hindi isinali, noong ang pinasali ay puro indie na hindi naman kumita. Pero kahit na lagi silang kasali, walang nagagalit sa kanila, walang nagbibintang na malakas sila sa MMFF kaya sila laging kasali.
Talagang parang kay Vilma Santos lang sila galit na galit dahil nakasali sa MMFF. Naroroon agad ang bintang na kaya raw hindi nakakapasok ang pelikulang gusto nila ay dahil nahaharang para bigyang priority si Vilma.
Samantala, kasagsagan ng bagyo, talagang abala si Vilma Santos at ang buo niyang pamilya.
Ang laki ng pinsala ng bagyong Kristine sa Batangas kaya sabi nga niya ay naging problema rin daw nila ang mga taong tutulong sa relief and rescue operations.
“Halos give up na ako eh, wala nang magagawa kaya sabi ko nga magdasal na lang tayo alam ng Diyos na ginagawa natin ang lahat ng maaaring gawin, kung hindi uubra ang effort natin, bahala na ang Diyos. Basta ginawa natin ang lahat to the limits, at dahil kulang pa, ang Diyos na ang kikilos.
“Tama naman may ginawa agad ang Diyos. Nakatanggap na ako ng tawag mula sa Lipa Archdiocese Social Action Center, iyong LASAC. Nagtatanong na sila kung papaano kami magkakatulungan. Iyon na, dumating ang kanilang mga volunteers,” pagkukuwento ni Ate Vi patungkol sa malalang perwisyo ng bago sa kanilang bayan.
“Pero tama ang sinasabi ng mga madreng katulong namin, iyong ginagawa namin parang band aid solution lang. May problema gawan ng remedyo, pero hindi na naiisip ang pangmatagalang solusyon. Hanggang doon lang tayo sa relief and rescue, hindi natin inisip iyong rehabilitation ng mga mamamayan pagkatapos ng kalamidad. Masyado tayong napapagod sa relief and rescue, hindi na natin iniiisip kung ano ang dapat na kasunod.”
- Latest