Dennis, dinamay ang anak sa kalokohan!

Dennis at Anak

Kinaaliwan na naman ang bagong TikTok dance challenge ng aktor na si Dennis Trillo kasama ang daughter nila ni Jennylyn Mercado na si Dylan.

Sa gitna nga ng pananalasa ng bagyong Kristine ay nag-post ang Pulang Araw actor ng video nila ng anak na nakaka-good vibes.

Magkasabay na sumayaw ang mag-ama na kita ang pagka-bibo na nakikisabay rin talaga sa pagsayaw.

“Good night! Sana safe kayong lahat,” caption nito habang grabe ang lakas ng pagbuhos ng ulan na nagdulot ng pagbaha sa iba’t ibang lugar.

Mukhang handa na ngang matulog ang dalawa dahil makikitang naka-pajama na sila.

Naaliw naman ang netizens dahil may panibagong recruit daw si Dennis at ito nga ang daughter nila.

Lutang nga raw ang ganda at pagka-cute nito na mana sa kanyang mommy Jen.

Samantala, maaalalang nag-trending din ang pagsusuot ni Dennis ng crop top sa Disneysea sa Japan kamakailan.

Bongga.

Show comments