^

Pang Movies

Ogie, napa-oo agad ang BINI!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ogie, napa-oo agad ang BINI!
BINI

Hindi nagdalawang-isip ang BINI nang alukin sila ni Ogie Alcasid na mag-guest sa Ogieoke2 Reimagined concert na gaganapin sa Nov. 30 at the Newport Performing Arts Theater (NPAT).

Kwento ni Ogie kahapon sa ginanap na mediacon kahapon sa Kamuning Bakery, mayroon daw silang collaboration ng BINI na ire-record n asana nila this November pero dahil nga sa katatapos lang ng concert ng grupo recently, napag-usapan nilang next year na ito ituloy.

Nang makita raw niya sa Los Angeles ang grupo nang magtungo sila roon para sa ASAP, tinanong daw niya ang grupo kung gusto ba ng mga itong mag-shopping.

Sigawan daw ang mga girls at ‘yun na, binigyan niya ng pang-shopping ang grupo.

Naisip daw niyang tanungin kung gusto ba ng mga itong mag-guest sa kanyang concert at walang kaabog-abog daw na “yes of course” ang sagot ng mga girls.

Kinausap niya raw agad ang handlers at management ng BINI na puring-puri ni Ogie dahil napakadali raw kausap.

“In fairness to them, hindi sila sumingil sa akin. Parang ang sabi sa akin, ‘bahala na kayo,’” aniya.

“Baka ‘yung pang-shopping (na binigay) ko, ‘yun na ‘yun,” biro pa ng OPM singer.

“But no, of course, we allotted talent fee for them,” sey niya.

Kakantahin daw ng BINI ang hit song nilang Salamin, Salamin, and a duet with BINI Maloy.

Bukod dito ay kakantahin ni Ogie ang karamihan sa mga naging hit songs niya, reimagined version.

“I’ll be singing mostly reimagined version of my songs. Marami akong ni-ready na mga bagong arrangements,” aniya.

Kim, naloka sa ‘pagbubuntis’!

Naloka si Kim Molina sa tsikang buntis siya sa first baby nila ng fiancé na si Jerald Napoles.

Tila nagsimula ang tsismis sa ipinost niyang Pop Mart unboxing video sa Facebook kasama si Jerald. Naghinala ang ibang netizens na buntis siya dahil nakasuot siya ng simpleng house dress at walang makeup. Aliw na aliw siya sa mga stuff dolls kaya maaaring inakala ng followers niya na naglilihi siya.

May nagkomento pang mukhang lalaki ang kanyang ipinagbubuntis.

Sa kanyang FB account ay mariing pinabulaanan ng aktres ang tsismis na preggy siya.

“KALOKA. Sa mga nagsasabi na buntis ako, tumaba lang ako okay,” simula ni Kim.

Paliwanag niya, “Sadyang wala lang din akong pake humarap sa camera ng walang make up at ayos. Yung ilong ko, sadyang pango kaya hindi ako buntis na lalake anak kaloka. Nabanat lang lalo sa pisngi kasi nga tumaba. Ganyan na yan since birth.”

Actually, if ever mang preggy si Kim ay wala namang masama since nakatakda na rin naman silang ikasal ni Jerald at matagal na ring nagsasama sa isang bubong.

vuukle comment

BINI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with