Marian, gumagalaw para sa mga binagyo

Marian

Gumagalaw rin si Marian Rivera sa sarili niyang paraan upang makatulong sa mga biktima ng Bagyong Kristine!

Hardest hit ang Bicol kaya gumagawa rin ng sariling tulong ang mga taga-Bicol celebrities gaya nina Kyline Alcantara at Barbie Imperial.

Eh dahil sinasalanta na rin ang ibang parte ng South Luzon gaya ng Cavite, Batangas, Laguna at Quezon, naghahanda si Marian Rivera sa tulong ng fast food chain na ineendorso sa paghahanda ng 5,000 food packs na kanyang ipamimigay, huh!

Tahimik na ring ginawa ni Yan ang pagtulong sa mga biktima ng bagyo gaya ng nakaraang Carina at Enteng. Kung may photo ops man siya, ito ay para makita ng kanyang hiningan ng tulong!

Good job ka talaga as always, Teacher Emmy!

Show comments