^

Pang Movies

Strategy, umepekto sa mga sinehan

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Maganda ang feedback sa pelikula ni Marian Rivera. Kumikita raw at napupuno ang mga sinehan. Hindi ganoon kalaki ang kabuuang kita dahil binawasan nila ang admission prices ng sinehan. Pero maliwanag iyon, kung hindi pala napakamahal ng bayad sa sine, mas mapapabalik mo ang mga tao  sa mga sinehan.

Kaya magandang strategy ang ginawa nila sa pelikula ni Marian. Binabaan nila ang singil sa sine, dumami naman ang manonood kaya ang kinalabasan, kumita pa sila.

At saka ibalik na iyong continuous screening. May mga taong gustong ulitin ang pelikula talaga, eh ang mahal na nga ng bayad pagkatapos pa ay itataboy na ninyo silang umalis, maghihintay na nga lang iyan ng pirated.

Kaya hindi masugpo ang piracy eh, masyadong mahal ang sinehan.

Ate Vi, naaligaga 

Ang buong paniwala ni Vilma Santos, makakapagpahinga siya nang matapos ang shooting ng kanyang pelikula. Kasi habang nasa shooting pa siya, naihanda na naman ng kanyang mga tauhan ang gagawing relief and rescue kung sakali ngang pumutok ang Taal na isang buwan nang nagbabanta, pero hindi pumutok ang Taal, ang dumating ay ang bagyong Kristine.

Nag-panic si Ate Vi nang makita ang isang video sa social media na may isang babaeng umiiyak, patuloy na tumatawag ng rescue, dahil aabutin na sila ng tubig sa bubong. Mayroon pa ngang isang truck na nakalubog na. Kung iyong truck nakalubog na papaano mo dadalhin ang relief goods.

Walang tigil ang telepono ni Ate Vi sa paghahanap ng tulong. Ma­ging si Ryan ay naghahanap ng mga kaibigan niyang may mga jet ski at motorized rubber boats.

Kaya si Ate Vi walang tigil sa katatawag sa mga kakilala nila, habang hawak ang rosaryo sa kamay at patuloy na nagdadasal.

Nagtatanong na rin si Ryan kung magkano raw ba ang motorized rubber boats, dahil naniniwala siyang dapat may mga ganoong gamit ang Batangas hindi lang ang Lipa, at willing siyang pag-ipunan at bumili para magamit sa Batangas kung may ganyang kalamidad.

Buong pamilya nila gulung-gulo dahil sa nangyayari sa Batangas. Ang biruan nga first time raw na hindi star of the day si Peanut, dahil may problema sa Batangas.

Male personality, nakipag-‘otso’ sa showbiz gay para sa motor!

May fast buck, nagbebenta ng isang magandang motorsiklo, at gustong bilhin ng isang poging personality, pero matapos niyang tawaran, kulang pala ng sampung libo ang pera niya. Tumawag siya sa isang kaibigan, wala ring cash. Tumawag iyon sa isang kakilalang showbiz gay, inalok nila ng malaking tubo sa loob lamang ng isang linggo ang tutubuin niya ay thirty percent, ang sampung libo ang bayad ay 13 libo.

Pero iba ang gusto ng gay, hindi iyong tubo, ang gusto niya ay makipag-date sa kanya ang po­ging personality, kahit na hindi na siya bayaran. Eh baka ibenta sa iba ang motorsiklo kung hindi niya maibigay ang pera noong araw na iyon, pumayag si Pogi. Happy rin naman si bakla dahil ang ibinayad daw sa sampung libo niya ay ”otso.”

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with