^

Pang Movies

Miss Cosmo PH 2024, ginagamit sa pekeng donation drive!

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Miss Cosmo PH 2024, ginagamit sa pekeng donation drive!
Ahtisa

Nananawagan sa publiko ang beauty queen na si Ahtisa Manalo tungkol sa isang scammer na ginagamit ang kanyang name sa pamamagitan ng isang Telegram account para maka-solicit ng donations para sa mga nasa­lanta ng Bagyong Kristine.

Sa post ng 27-year-old beauty queen sa kanyang social media accounts ay in-expose niya ang kanyang scammer.

“Nasa kalagitnaan po tayo ng kalamidad ngayon, pero bakit may mga taong katulad nito na mapagsamantala at mangloloko. Hindi po sa akin ang account na ito at hindi po kami nanghihingi ng donations directly.

“Kaya po kami nagshe-share ng mga donation drives ng mga org like Angat Buhay para sa kanila po kayo mag-donate. Kami po ay amplifier lamang ng mga pangangailangan ng tao, hindi taga tanggap ng donasyon. Mag-ingat po tayo sa mangloloko. Salamat at ingat po ang lahat,” caption ng reigning Miss Cosmo Philippines 2024. 

Pokwang, tinaboy na ang mga nega!

Nagpa-house blessing na pala si Pokwang ng kanyang bagong bahay sa may Antipolo City.

Kabilang sa mga dumalo ay ang TikToClock co-stars niya na sina Jason Gainza at Herlene Budol, na nag-post pa ng house tour sa kanyang Instagram account.

Binenta ni Pokwang ang dating bahay na tinirhan nila ng ex-partner niyang si Lee O’Brien dahil puno na raw ito ng negativity at bad memories. For sale na rin daw ang kanyang ipinatayong beach house sa Bataan.

Binuhay rin ulit ni Pokwang ang kanyang dating bottled food business at tinawag niya itong Mamang Pokwang’s Gourmet.

Muling magteteleserye si Pokwang via Binibining Marikit na bida si Herlene.

JLaw, pinasilip ang baby bump

Pinasilip na ni Jennifer Lawrence ang kanyang baby bump sa red carpet ng 2024 AFI Fest in Hollywood.

Kinumpirma ng Oscar winner sa Vogue na pregnant siya sa second baby nila ng mister niyang si Cooke Moroney. May 2-year-old son sila named Cy.

Excited nga raw si JLaw na maging mommy ulit: “The best thing I can do is just make sure they know that they’re loved, and that they are our number one priority, and try to be a good example of kindness.”

vuukle comment

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with