Kuwento ng mukhang bata na pulitiko, malakas ang dating

Euwenn Mikaell

Bongga, malakas pala ang pagsisimula ng newest GMA Afternoon Prime series na Forever Young!

At mabenta raw sa viewers ang cuteness overload na hatid ni Rambo Agapito played by award-winning child star Euwenn Mikaell.

Sabi nga ng mga kasama ko sa bahay sa pamumuno ni Mel, mixed ang emosyon nila -  naiyak, natawa, at na-suspense sila sa ilang eksena.

“Grabe ang ganda naman nito, teh! Unang araw pa lang, intense agad! Nakakakabog ng dibdib! Bigatin ang cast! I love this show, may bagong susubaybayan na naman!” say ni Mel na umi-English na ha.

Hahahaha. Bongga si Mel, bidang-bida.

Kuwento ito ng isang pambihirang kondisyon, nananatiling mukhang bata si Rambo kahit siya ay 25 years old na. Paano haharapin ni Rambo ang kanyang mga responsibilidad at paano niya aabutin ang kanyang mga pangarap kung siya ay Forever Young?

Nawa’y magtuluy-tuloy ang mataas na rating nito para naman hindi mawalan ng pag-asa ang ating TV industry.

Sa totoo lang, ‘yung sinasabi nilang iba na ang panahon ngayon at wala nang interes sa TV ang mga manonood, para sa akin ay hindi ‘yun totoo.

Marami pa rin ang adik sa TV at isa ako sa mga ‘yun. Lalo na pag feeling weak ako, talagang wala akong ginawa buong maghapon kundi manood lang sa kwarto ko.

Ganundin ang mga kasama ko sa bahay.

Sa totoo lang, hindi naman lahat ay may Internet kaya marami-rami pa rin ang umaasa sa panonood ng TV.

‘Yun lang at babu na.

Show comments