^

Pang Movies

Showbiz couple na ‘di pa legal, sa abroad nagpapasarap!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

International pala ang gustong venue ng dalawang showbiz personality na nali-link ngayon sa isa’t isa!

Nung una eh spotted-spotted silang magkasama sa iba’t ibang probinsiya. Never silang nagsalita tungkol sa naglabasang memes na magkasama.

Eh hindi pa kasi annulled ang kasal ni male personality sa asawa niyang showbiz personality rin kaya baka makasuhan.

Pero sa pagsasama ng dalawa sa isang project sa abroad, isang kasama nila ang nagsabing bihira nilang makita ang dalawa na magkasama sa labas, huh!

Madalas daw silang magkulong sa kuwarto ng hotel! Eh consenting adults kaya malaya silang gawin ang gusto nilang gawin basta wala lang huli, huh!

Derek, kinarir ang dragon baby

Tagumpay ang hindi gaanong lihim na pagbubuntis ni Ellen Adarna kay Derek Ramsay dahil may mga lumabas na rin naman tungkol dito.

Kinarir talaga ni Derek ang pagbubuntis ni Ellen. Ito ang kanyang ginawa nang talikuran ang showbiz matapos ang last movie niyang (K)Ampon last year.

Nakunan si Ellen nung una nitong pagbubuntis! Eh ayaw maulit ni Derek ang pangyayaring ‘yon kaya naman nagkaroon ng katuparan ang wish nilang mag-asawa.

Si Derek na rin ang nag-reveal ng panganganak ng asawa sa kanyang Instagram nitong nakaraang mga araw.

Walang ipinakitang mukha ng bata.

Congratulations, Derek and Ellen!

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with