Gary, aminadong bawas na ang energy sa stage

Gary Valenciano

Marami ang nalungkot nang mag-announce ni  Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano na ang kanyang na­lalapit na major two-night concert at the Big Dome (Araneta Coliseum) ang Pure Energy:  One More Time on December 20 & 22, 2022 is going to be his last major solo  concert concluding his 40-years in the entertainment business, pero kanyang ipinaliwanag na hindi pa umano siya mag-retire sa concert scene  but will be slowing down in performing in big venues tulad ng Araneta Coliseum, SM MOA Arena, at iba pa.  Ayon sa kanya, he will still be performing in smaller venues tulad ng Newport Performing Arts, Music Museum, at iba pa pero lay low na umano siya sa pagtatanghal sa malalaking venues for his solo concerts due to health reasons.

“While my mind dictates go, my body can’t anymore,” ani Gary V.

It is known to many na may type 1 diabetes si Gary since he was a young boy, underwent  open heart by-pass surgery and a bout with kidney cancer two weeks apart in 2018 among others.  Pero sa kabila ng struggles ni Gary V. sa kanyang health, ang tingin pa rin ng mga  tao sa kanya ay sobra siyang healthy laluna when he’s on stage performing at wala itong pinagdadaanang health issues.

Ilang beses na ring nakipaglaban si Gary na may kinalaman sa kanyang kalusugan at kasama na rito ang kanyang angioplasty procedure and  leg therapy recently.

Ayon kay Gary V. he doesn’t want to short­change the audience when he’s performing.  Ibinibigay niya ang kanyang best kahit hindi siya 100% okey pagdating sa kanyang kalusugan at walang nakakaalam except for his wife na si Angeli Pangilinan-Valenciano at mga taong malalapit sa kanila.

Sobra ang pagiging energetic ni Gary V. when he’s performing at walang mag-iisip that he’s not healthy.

Ibinibigay naman ni Gary ang kredito una sa Diyos (kung kanino niya ipinagkakatiwala ang kanyang buhay) at sa kanyang wife na si Angeli na hindi lamang niya wife at ina ng kanilang tatlong anak na sina Paolo, Gabriel, Kiana, at manager kundi ito ang kanyang number  one  nurse and care-giver.

Angeli travels and goes with him wherever he goes dahil bukod sa pagiging wife and manager, siya rin mismo ang personal na  naka-monitor sa health condition niya.

Gary is not only celebrating his 40th anniversary in the entertainment business kundi 40th anniversary rin nilang mag-asawa sa taong ito.

Derek, ‘di napaamin bago nanganak si Ellen

Alam mo, Salve A., marami ang in a way ginulat ng mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna na meron na rin pala silang sariling baby matapos mai-post ang picture ni Ellen na may kargang baby in a hospital bed at kung saan nasa tabi niya ang kanyang panganay (sa actor na si John Lloyd Cruz) na si Elias.

Hindi inaamin sa publiko ni Derek ang pagbubuntis ni Ellen.

Kumbaga, naging discreet ang mag-asawa sa pagbubuntis ni Ellen hanggang isilang nito ang kanilang first baby na isa umanong girl.

Bago naging mag-asawa sina Derek at Ellen ay pareho na silang may tig-isang anak na lalake.  Si Austin (20) ay anak ng actor-model sa kanyang ex-wife na si Mary Christine Jolly habang si Ellen naman ay may 7-year-old son sa kanyang dating partner, ang actor na si John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.

Bukod sa biological father ni Elias na si John Lloyd, ang bata ay super close rin sa kanyang step-dad na si Derek who treats him just like his own son.

Ang mag-asawang Derek at Ellen ay parehong on a semi-retired status pagdating sa kanilang showbiz career.

Show comments