Nag-unveil ang MMFF ng bagong hitsura ng trophy. Noong makita namin ang picture, ipagpatawad ninyo ha, ang akala namin isang recognition mula sa isang kumpanya ng telepono. Mukhang dial ng lumang telepono, hindi naman rolyo ng pelikula, at saka hindi na nga gumagamit ng rolyo ngayon dahil digital na ang mga pelikula kaya digital storage na ang ginagamit.
Sa totoo lang, parang mas maganda pa ang mga tropeo noong araw, lalo na ang nagpapakita kay Rajah Soliman, ang bayani ng Maynila.
Ang mga trophy, dapat maging distinct ang design.
Desisyon nila iyan pero masakit mang sabihin, iba talaga nung ‘yan ay pinamamahalaan ng mga tao sa industriya.
Sana unahin nila ang pag-aayos ng drainage at pagkolekta ng basura. Iyong problema lang sa traffic walang nangyayari. Panahon pa ni Digong noong ipangakong ang biyahe mula Cubao hanggang Makati ay fifteen minutes na lamang, pero masasakop na ng China ang West Philippine Sea, wala pa ring ayos ang traffic.
Ang medyo nakakatakot pa, baka gamitin pa ang filmfest para sa kampanya ng mga mayor. Gaya nung ginawa nila noong 1986 na ang presenters sa mga award ay lahat ng mga nakatalagang OIC ng mga lungsod.
Vic at Vice, nag-iba ng genre!
Sumabak sa action / drama si Vic Sotto samantalang alam naman niya at ng kanyang mga producer na ang mga pelikula niyang comedy ang nagiging top grosser noon pa sa MMFF. Pero siyempre dahil si Vic Sotto iyan, commercially viable pa rin ang pelikula.
Pinagawa rin nila ng drama si Vice Ganda, na nabuhay sa pagpapatawa.
Suspense ang Green Bones, na hinahanap basta ang isang tao ay sumailalim sa cremation.
Pasok din ang Himala the Musical, na ang mga artista ay galing sa teatro.
Mayroon pang isang horror na Haunted Hospital, ang bida si Enrique Gil, pero ang leading lady ay si Jane de Leon.
Mayroon pang Hold Me Close, nina Julia Barretto, pero ang partner ay si Carlo Aquino.
Pumasok rin iyong Topakk. Bida si Arjo Atayde at si Julia Montes.
Ganundin din sina Lorna Tolenino at Judy Ann Santos.
At ang sinasabi lang nilang mukhang llamado sa laban ay si Vilma Santos sa Uninvited. Dahil bukod sa leading man si Aga Muhlach kasama pa si Nadine Lustre.
Sampu ang kasaling pelikula sa MMFF na nagdiriwang ng ika-50 years at masusubukan kung kakagatin ng manonood ang pag-iiba ng genre ng ilang bida sa mga pelikulang kasali.