Pinasaya ng husto ni Rocco Nacino ang asawa niyang si Melissa Gohing sa birthday surprise niya rito na greetings sa mga favorite K-pop actors nitong sina Song Joong Ki, at Park Seo Joon at ang singer-actor-dancer na si Im Siwan.
Nasa Busan, South Korea si Rocco kasama si Melissa at ang baby boy nila dahil dumalo si Rocco sa Busan International Film Festival. Siya ang representative ng pelikula ni Director Brillante Mendoza na Motheland at nagkataong dumalo rin ang tatlong oppas na favorite ng wifey niya.
Napakiusapan ni Rocco ang tatlo to greet his wife sa birthday nito at pumayag sila kahit strict daw ang Korean management sa mga ganito. Ayun na nga, nang ipakita ni Rocco kay Melissa ang kanyang birthday surprise, tuwang-tuwa ito at sa sobrang tuwa, muntik pang matumba kasama ang anak.
At pati anak nila, tuwang-tuwa kay Melissa at tawa nang tawa na parang naintindihan kung bakit masaya ang mom niya.
Matagal naka-recover na hanggang sa paglalakad, paulit-ulit na sinabing “Song Joong Ki greeted me, Park Seo Joon greeted me, Siwang greeted me” at may patalun-talon pa ito.
Pinuri rin si Rocco ng mga netizens sa sobrang effort nito na hingan ng birthday greetings sina SJK, PSJ, at IS.
Vic, nag-training para sa pelikula nila ni Piolo
Si Pauleen Luna-Sotto na ang sumagot sa comment ng netizen na “Vic Sotto... should I assume this is comedy?”
Ang tinukoy nito ay ang reels ng 2024 MMFF entry nina Vic at Piolo Pascual na The Kingdom.
Sagot ni Pauleen, “It’s not!”
Iyon din ang sinabi ni Jojo Oconer na present sa announcement ng second batch ng official entries sa 2024 MMFF. Hindi comedy ang movie, family drama raw at may kasamang action at nag-training pa raw si Bossing Vic kung paano makipaglaban gamit ang punyal.
Sabi rin ni director Mike Tuviera, “This is not your typical Vic Sotto. Handa ka na ba sa pinakabagong karakter na gagampanan ni Bossing? Abangan ang The Kingdom, and official entry to the Metro Manila Film Festival 2024.”
Napansin ng mga netizens na walang Kapuso stars na kasama sa cast, si Sue Ramirez, Kapamilya. Viva artist naman si Cristine Reyes at freelancer si Sid Lucero. Noong may show pa si Vic sa GMA-7, kapag may MMFF entry siya, laging may kasamang Kapuso star sa cast.
Dumating din sa announcement ng five official entries sa 2024 MMFF si Nessa Valdellon ng GMA Pictures at GMA Public Affairs. Siya ang representative ng pelikulang Green Bones na una nang napiling entry.
Sinabi nito na kaya walang cast sa announcement dahil kasalukuyang nagsu-shooting si director Zig Dulay ng movie sa Quezon, Bulacan, at Pampanga.
Ibinalita rin nitong kasama sa cast sina Iza Calzado at Alessandra de Rossi at makakasama sila nina Ruru Madrid, Kyline Padilla, Sofia Pablo, at Dennis Trillo.
Pagbabalik ito ni Iza sa GMA Pictures at kung matatandaan, pinagbidahan niya ang Moments of Love kasama sina Karylle, Dingdong Dantes at Ms. Gloria Romero.