Kalagayan ni Kris, masaya at malungkot

Natutuwa naman ako sa balitang cancer free na si Kris Aquino.

Bagama’t may masaya at malungkot na balita si Kris sa kanyang health update sa isang post sa Instagram, masaya pa rin ako na kahit paano ay andun pa rin ang kanyang pakikipaglaban sa kanyang sakit.

Ang pinakabonggang balita nga ay nang lumabas ang resulta na wala siyang cancer. “Bimb arrived but fell asleep when he saw i was awake. Late afternoon when i was wide awake, Dr Jonnel was smiling, he said — you are CANCER FREE. Clear intestines. No visible sign of cancer,” kuwento ni Kris.

“THANK YOU. I know you’ve been praying but i didn’t reveal what else specifically you were praying for. But God is listening even when we’re not specific because He sees what’s in our hearts,” sabi pa nito.

 Pero ang hindi masyadong magandang balita. Mayroon daw siyang posibleng anim na kondisyon ng autoimmune. Ngunit ang nakakatakot na bahagi raw ay ang 3 sa mga nasuri ay nagbabanta sa kanyang buhay sa madaling salita - maaaring masira raw ang kanyang vital organs o ang kanyang mga daluyan ng dugo, partikular ang kanyang artery na nagkokonekta sa ating mga baga at puso - hanggang sa maaari raw makatay dahil sa isang stroke o aneurysm o cardiac arrest.

Nakakaloka.

Basta, lagi kitang ipinagdarasal Kris.

Mahal kita.

Mga kasali sa MMFF, pulos malalaking artista

Parang ang gaganda naman ng mga pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival 2024. Ang lalaki ng mga artista.

Pero ‘yun nga, sana naman ay sumugod ang maraming tao sa mga sinehan tulad noong isang taon kung saan nag-number 1 ang Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Show comments