Bianca, todo ang indayog sa Japan

Bianca

Todo-bigay ang performance ng Sparkle artist na si Bianca Umali sa Sparkle World Tour sa Japan!

Pinainit ni Bianca sa kanyang indayog at kadyot sa dance number niya suot ng mapang-akit pa niyang costume, huh!

Tinaob ni Bianca ang performances ng kasamang Sparkle artists gaya nina Julie Anne San Jose, Jillian Ward pati na sina Ruru Madrid, Rayver Cruz, Yasser Marta, Betong Sumaya, at iba pa.

Sa Igysamori Park sa Suginami City, Japan ang day 2 ng Sparkle Goes to Japan Tour na unang nakansela dahil sa bagyong dumaan sa bansa.

Sa video, ang galing-galing ni Bianca sa dance number niya na parang wala nang bukas, huh!

No wonder, in love na in love kay Bianca ang boyfriend na si Ruru!

Ogie, mas nakakaaliw                           

Quiz master si Ogie Diaz sa TV5 show niyang Quizmosa.

Napanood namin last Monday ang unang episode at ang members ng grupong hashtag ang contestants.

Sa elimination, P20K ang premyo ang mananalo at kapag nakuha ang jackpot, 50K ang take home.

Pero kailangan, maging masipag ka sa social media para malaman ang mga sagot sa elimination. Pagdating sa jackpot, may kahirapan ang tanong lalo na last Monday tungkol sa zodiac sign ng isang BINI member.

Si Ogie lang ang nakakaaliw sa show. Wala nang iba pa!

Show comments