^

Pang Movies

Dahil kay Mommy Min... KathNiel at KathDen fans, nagrambulan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Nag-aaway-away ang KathNiel fans at KathDen fans sa Instagram post ng mom ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo.

Pinost kasi ni Min ang poster ng “Hello, Love,

Again” movie nina Kathryn at Alden Richards. Kasama rin sa pinost nito ang schedule ng international screening HLA, pati ang theme song ng Kathryn at Alden movie na “Palagi.” 

Kaya mababasa ang mga comment na proud si Min sa future son-in-law niyang si Alden. May nagsabi pang wala nang dapat ipangamba ang mom at dad ni Kathryn dahil nasa tamang tao na ang aktres.

May mga advance pa ngang nag-comment na next year, ikakasal na ang KathDen na para bang sigurado na silang sina Alden at Kathryn ang end game.

 Pati ang caption ni Min sa isa niyang post na “I’m so proud of you Kath and napakasaya ko na makakasama natin ulit si joy and ethan this year.

“Mahal natin ang dalawang characters na ‘to, lets support #HelloLovegain simula November 13!” nagpapahiwatig daw na pabor siya kay Alden.

Bimby, may patikim soon                                                                

Kabilang sina Lorna Tolentino at Ara Mina sa nag-like sa post ni Darla Sauler na nasa gym sila ni Bimb at nagwo-work out.

Ang napiling workout ng bunso ni Kris Aquino ay boxing at marunong sumuntok si Bimby.

Sabi ni Darla, “Sunday famday with this cutie, na ‘di ako sinabihang magwo-workout. Hehehe! Love love love... soon!:

Na-curious ang mga nakabasa kung ano ang ibig tukuyin ni Darla sa kanyang post na “soon!”

Patungkol ba ito sa online show ni Kris o may iba pa siyang gustong tukuyin? Basta, kahit ano pa raw ang soon na ito, basta may kinalaman kay Kris ay aabangan at hihintayin nila.

As for Bimby, gusto rin malaman ng mga fans ang mga plano niya. Kung mag-aaral ba siya o papasukin na ang showbis gaya ng naging plano nila ng mom niya. Hindi lang ‘yun natuloy dahil bumalik sa States si Bimby.

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with