^

Pang Movies

Alden, labas-pasok sa bahay ni Kathryn!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Alden, labas-pasok sa bahay ni Kathryn!
Kathryn Bernardo at Alden Richards

Ipinagmamalaki ni Alden Richards, nakakapunta siya sa bahay ni Kathryn Bernardo sa Antipolo. Welcome siya roon.

Hindi ba sinabi naman nila noon pa na tanggap si Alden ng pamilya ni Kathryn. Pero hindi ibig sabihin noon ay nanliligaw na siya kay Kathryn, o maaari na niyang maging syota ang ex ni Daniel Padilla. Iba pa rin iyong magkaibigan lang kaysa sa mag-syota.

Aywan kung bakit pero parang mas gusto naming maniwala sa aming sources na magkaibigan lang sila at hindi nangangahulugan na si Alden ang susunod na jowa ni Kathryn kahit sabihing lagi naman silang magkasama.

That’s…, malabo nang ibalik!

Nang muling magkaroon ng reunion ang mga dating members ng That’s Entertainment kamakailan lamang ang naging usapan ay puro panghihinayang.

Dapat daw sana maibalik pa ang That’s Entertainment ngayon. Siyempre hindi na sila ang members, mga baguhan naman pero nangako silang tutulong at gagabay sa mga baguhan. Marami ang nanghihinayang dahil marami raw mga baguhang may potentials talaga, pero hindi nabibigyan ng pansin, hindi rin natuturuan nang tama, kaya walang nangyayari sa career.

Samantalang sila nga naman noong panahon ng That’s... kaya marami ang sumikat ay dahil nagabayan sila nang husto.

Pero maibabalik pa ba ang That’s Entertainment?

Malabo na nilang magamit sa ngayon ang title na That’s Entertainment. Noong panahong iyon, hindi pa masyadong mahigpit sa copyright. Ngayon mahigpit na. Isa iyan sa mga epekto ng social media, nakikita na sa buong mundo kung ano man ang nangyayari sa atin dito.

At dahil iyan nga ay adapted title, mahirap nang buhayin ang That’s Entertainment.

Magastos na rin ang isang show na kagaya ng That’s Entertainment. Noong panahong iyon, sa mahigit na dalawandaang members ng show, ang sumasahod lamang sa GMA ay 75. Iyong mas marami ang nagbibigay ng allowance ay si Kuya Germs (German Moreno) at galing iyon sa kanyang bulsa.

May sikreto si Kuya Germs sa mga ginagawa niyang show at walang nakakaalam noon kundi siya lang. Gawin man siyang consultant ng bagong shows, turuan man niya sila, pero iba ang actual na diskarte. 

Kagaya rin iyan ng Bagets, gusto nilang i-revive, pero hindi nila nagawa noong ayaw nang sumali ni Aga Muhlach.

Hindi mo maaaring buhayin ang Bagets nang wala si Aga, dahil ang pelikula ay synonimous na sa pangalan niya.

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with