^

Pang Movies

Anthony, tatlong linggong nagpaga­ling sa operasyon

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Anthony, tatlong linggong nagpaga­ling sa operasyon
Anthony Pangilinan

Patuloy na nagpapagaling ngayon ang ama ng matinee idol na si Donny Pangilinan na si Anthony Pangilinan matapos itong sumailalim ng open heart surgery sa Philippine Heart Center.

Inabot siya ng tatlong linggo sa hospital.

Nagpapasalamat si Anthony and his family sa tagumpay ng kanyang heart surgery at mabilis niyang recovery.

In no time at all ay balik na rin siya sa kanyang regular activities.

Anthony has been happily married sa kanyang actress-wife na si Maricel Laxa. Ang mag-asawa ay nabiyayaan ng limang anak na sina Ella (now married) Donny, Hannah, Benjamin at Solana Pangilinan.

Ang pamilya nina Anthony at Maricel is a closely-knit and God-centered family.

KathDen, mag-iikot sa iba’t ibang bansa!

Malaki ang posibilidad na abutan o lagpasan ng Hello, Love, Again nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang kinita ng Hello, Love, Goodbye nung 2019.

Ito ay nakatakdang ipalabas sa Pilipinas on Nov. 13, 2024 na magkakaroon ng midnight screening at 12:01 a.m. ng Nov. 13 in 72 theaters. On Nov. 14 ay mapapanood naman ang pelikula in about 250 theaters in America at Canada na susundan sa Guam at Saipan on Nov. 15 kasunod ang Middle East (UAE, KSA, Qatar, Bahrain at Oman) on Nov. 28. Same date rin mapapanood ang pelikula sa Singapore at Malaysia na susundan in Cambodia on Nov. 29 maging sa Hong Kong.

Sina Kathryn at Alden ay personal na dadalo sa premiere ng kanilang pelikula in Los Angeles, California on Nov. 22, sa Toronto, Canada on Nov. 24 at sa United Arab Emirate on Nov. 30.

Ang sequel ng HLG na Hello, Love, Again ay ipapagtuloy nina Joy/Marie (Kathryn) at Ethan (Alden) ang kanilang naudlot na pag-iibigan in Hong Kong sa Canada na magkakaroon din ng iba’t ibang challenges.

Tampok din sa HLA sina Joross Gamboa, Jeffrey Tam, Jennica Carcia, Valerie Concepcion, ang US-based na si Ruby Rodriguez, Canada-based actor na si Robert Austria, Mark Abella, Marvin Aritangco, Wendy Froberg, Kevin Kreider, Lovely Abella at Jameson Blake. Ito’y muling pinamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia-Sampana at joint production ng Star Cinema ng ABS-CBN at GMA Pictures ng GMA Network.

vuukle comment

ANTHONY PANGILINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with