Ang saya-saya ng pamilya Revilla. Ipinagdiriwang ng pamilya sa pangunguna nina Senador Ramon Bong Revilla, Jr. at Congresswoman Lani Mercado-Revilla ang pagpasa ng anak na si Loudette Bautista sa medical board exam.
Yup, may anak na rin silang doktora matapos nitong ipasa ang 2024 Physician Licensure Examination.
Hindi nga napigilan ang tuwa ng super proud at super saya na parents ni Dra. Loudette na kahit hatinggabi na lumabas ang resulta ng examination, agad itong ibinahagi ni Sen. Bong sa kanyang Facebook live.
Si Dra. Loudette ay nagtapos ng pre-med sa Ateneo de Manila University at ng medisina sa University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center (UERMMMC).
Sa totoo lang, pinatunayan niyang kaya niyang abutin ang pangarap, hindi lang para sa sarili kundi para sa kanyang pamilya at sa mga taong maaari niyang tulungan bilang doktor.
“Congratulations sa aming doktora Loudette for passing the 2024 Physician Licensure Board Exams! Certified doktora ka na, anak! You bring pride, joy, and honor to the whole family! Salamat sa pagtupad ng pangarap ni Daddy na magkaroon ng doktor sa pamilya. Thank you God talaga!” sabi ni Sen. Bong sa kanyang post.
Siya pala ang kauna-unahang doktor sa kanilang pamilya!
Maaalalang last year lang ay pumasa naman sa bar exam ang anak nina Bong at Lani na si Atty. Inah Bautista Del Rosario, kaya talagang walang mapagsidlan ng kasiyahan ang pamilya Revilla dahil ngayon, hindi lang abogado kundi mayroon na rin silang doktor!
Bihira ang ganun sa pamilya na may abogado na, may doktor pa.
Pinoy celebs, ‘di mapigilan sa Labubu
Grabe na ang collection ng Labubu ni Jinkee Pacquiao.
Literal na ang daming nababaliw na celebrity sa Labubu sa kasalukuyan.
Ang iba ay buong pagmamalaki pa nilang pinapakita ang kanilang collection at may mga TikTok video pa ng unboxing na nagpapakita ng mga blind box, at dahil dun maraming kumikita dahil maraming nagbebenta ng napakataas na presyo.
Anyway, aside from Jinkee, massive rin ang collection nito nina Marian Rivera and Jed Madela.
May mga pinakita rin si Heart Evangelista na mga binili niya sa Bangkok.
Ganundin din sina tita Annabelle Rama and Kim Chiu.
Maging si Vice Ganda ay ipinakitang meron na rin siya nito.
Talagang ito ang trend ngayon, na pag wala ka, parang ‘di ka uso.
Anyway, ayon sa isang online article, ang Labubu ay batay sa Nordic mythology. Ang lumikha nito ay inspirasyon ng mga fairy tale ng Europe at nilikha ang Labubu kasama ang iba pang Monsters bilang mga karakter sa isang librong pambata.
Aktor, malapit lang sa Pilipinas nagtatago
Sa isang Asian country lang diumano naglalagi ang actor habang inaayos ang mga kailangan nilang i-file na counter charge matapos nga itong madawit sa kaso ng estafa.
Iniipon daw lahat ng mga kailangang papeles upang patunayan na hindi sa nasabing actor napunta ang malaking halagang diumano’y nawawala kundi sa ‘partner’ nitong isang foreigner.
Malaki-laki raw ang hinahabol na pera sa actor ng mga nagrereklamo.
Dasal ng mga nakakakila sa actor na malampasan nito ang kung anumang pinagdaraanan nito sa kasalukuyan.
Ex-idol Philippines at PBB housemate, napuri sa pananakot
Isang kagimbal-gimbal na pagganap ang ibinigay ng mga manonood sa New Gen Multimedia Star na si Shanaia Gomez na bida sa bagong iWantTFC horror original na The Gatekeeper na nag-umpisa nang mapanood kahapon.
Mula sa direksyon nina Matthew at Dean Rosen ng award-winning biopic na Quezon’s Game, hatid ng The Gatekeeper ang katakut-takot na kababalaghang bumabalot sa pagitan ng mundong ibabaw at impiyerno.
Gagampanan ni Shanaia ang karakter nitong si Cita, isang antiques dealer na magiging tulay ng kadiliman sa mundong kinagagalawan niya nang madatnan niya ang lumang aparador na nagsisilbing lagusan pala papuntang impiyerno.
Para kay Shanaia, hindi niya inaasahang bibida siya sa isang horror film. Sa kabila nito, ikinagalak niya ang oportunidad na ito at kanyang mga natutunan on set, pati ang kanyang excitement na maipalabas ito sa iWantTFC.
Aniya sa ginanap na preview na “I remember that if there was a genre I did not think I was able to do, it was horror. Suddenly, this opportunity came and I told myself to do my best. I discovered so much about myself making this movie. I am excited to take on other roles and genres.”
Pinuri naman ng mga direktor si Shanaia sa kanyang ipinamalas na aktingan sa bagong iWantTFC Original, na maituturing din na kanyang big break sa showbiz sa kanyang kauna-unahang lead role.
“We are in awe of her acting ability, her acting decisions, and her patience to achieve perfection. She brings something special to the character of Cita making it very believable and will resonate with audiences,” ika ni Direk Matthew.
Dagdag naman ni Direk Dean, “Her ability to convey fear and sadness, but also strength and even deception all within just one look or one line was essential to Cita’s character, and Shanaia nailed it.”
Bago bumida sa The Gatekeeper, nakilala siya bilang contestant sa debut season ng Idol Philippines at naging celebrity housemate sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.
Ipinamalas na rin ni Shanaia ang kanyang galing sa pag-arte matapos ang kanyang mga pagganap sa mga seryeng FPJ’s Batang Quiapo, Can’t Buy Me Love at iWantTFC Original He’s Into Her theatrical play na The 25th Annual Putnam County Spelling Bee, at sa all-time highest-grossing Filipino film na Rewind. Bilang music artist, nakapaglabas din siya kamakailan ng sariling single na Cloud 9 under Star Music.
Anyway, dapat abangan ang kakaibang atake nito sa horror genre, tampok ang blend ng biblical elements sa Filipino folklore na tiyak magpapasindak sa mga manonood ngayong papalapit na Undas.
Hindi trying hard ang paninindak nila at ang galing ni Shanaia. Bagay na bagay sa kanya ang role.
Pwede kayang ipalabas din ito sa mga sinehan in time for Undas?
Mapapanood nang libre at on-demand ang The Gatekeeper simula Oktubre 19 (Sabado) sa iWantTFC.com at sa official app nito (available sa iOS at Android).
Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay.