Dahil sa kanyang sapatos ay muntik na raw mag-walk out ang isang TV celebrity. Naganap ito sa taping ng TV special para sa isang online product.
Kuwento ng aming source, bigla na lang daw sumigaw at nagmura ang TV celebrity habang nasa studio ito for technical rehearsal.
Ang dahilan ng pag-freak out ni TV celebrity ay may aksidenteng nakaapak sa sapatos niyang mamahalin.
Dahil sa pagka-OA nito, napilitang tumigil sa tech rehearsal ang lahat dahil sa sapatos issue.
Hindi naman daw sinasadyang matapakan ng production staff ang sapatos ni TV celebrity dahil hindi niya alam na nasa likod niya ito.
“Bakit naman kasi malapit siya sa likod nung taong nagtatrabaho sa set? May sarili silang area ng mga performer, bakit siya nasa studio, e ‘di pa naman sila tinatawag?” talak ng source.
Sey ng source na pinagalitan ng handler si TV celebrity dahil nakakahiya ‘yung inasal niya. Gusto nga raw ipukpok ng handler sa ulo ni TV celebrity ang sapatos nito dahil naging cause of delay ito.
“Bakit daw kasi suot nito ang mamahaling sapatos sa tech rehearsal? Iku-close up daw ba ‘yung sapatos niya? Care naman daw ng tao kung designer brand ‘yung suot niya? Hindi naman daw ipa-flash sa TV ang brand ng sapatos niya.”
At hindi raw ito puwede mag-walk out dahil may kontrata siyang pinirmahan at madedemanda ito kung tinuloy nito ang walkout niya.
Wicked star, nag-out!
Ang Tony at Grammy winner na si Cynthia Erivo ang cover ng OUT magazine para sa 30th annual Out100 list.
Self-confessed bisexual ang Wicked star at proud siya sa kanyang pagkatao dahil marami siyang nagawa bilang queer black woman. “Super proud to be who I am, proud to be out. Everything that makes you you is going to make your art, or what you want to do, special. I lived in deep admiration of anyone who could fully embody their true authentic self, wear their queerness like a feather boa and proudly state This is a beautiful part of who I am.”
Ginagampanan ni Erivo ang role na Elphaba sa film adaptation ng Wicked kunsaan co-star niya si Ariana Grande as Glinda.
“The film is about the acceptance of people that are different, whether it is walk of life or color of one’s skin or the power a person holds that might be different from your own.”