^

Pang Movies

‘Take your time, it’s not a rat race – Heart

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pang-masa

Aywan kung ito na nga ang ending ng argumento kung sino sa Pinoy fashion influencer ang talagang may impact sa abroad. Inilabas na nila kung sino sa mga Asia Pacific artist ang nakalikha ng matinding impact, ang salitang ginamit ay MIV o Media Impact Value.

At lumalabas na ang may pinakamataas na media impact value, na may $10.6 million ay si Heart Evangelista. Pumangalawa si Nattawin Wattanagitiphat ng Thailand na mayroon $10.2 million, at pangatlo si Pia Wurtzbach na nakakuha lamang ng $7 million hits.

Kahit na dalawang Pinay lamang ang nakapasok sa listahan nila, tinuturing ang Pilipinas na pinakamalalakas na influencers dahil sa matataas nilang ratings.

Pero mababa pa rin ang loob na sinabi ng asawa ng Senate President Chiz Escudero, “Numbers, ratings, likes will always change. it should never determine your worth. (If by chance you make it –be thankful to those who blessed you with love).

“be kind (sometimes it’s the hardest thing to do) but KINDNESS WILL always WIN.

“It’s not how fast you get there – it’s all part of the story. The show of your life is NOT gonna end with 1 season after all. there has got to be more! So don’t rush! You’re on your own path. Take your time, it’s not a rat race.”

Ayun na. Alam na ang ibig sabihin nito.

Vina, ‘di pa sumusuko sa love life

Inihayag ni Vina Morales na sila ng kanyang boyfriend ng isang taon, si Andrew Kovalcin, na executive ng kumpanya ng internet platform na Instagram, ay split na nga. Hindi na rin naman bago iyan kay Vina, marami na siyang naging boyfriend, inisplitan, kaya sa kanya ay hindi na bago ang ganyan.

Lalo na nga sa kaso ni Vina, na hindi na rin naman siya bata, at malaki na rin ang kanyang anak na si Ceana.

Kailangan niyang isipin, makakasundo ba ni Ceana ang kanyang magiging asawa kung sakali?

Kung sa bagay sinasabi naman ni Vina na ok lang daw sa kanya ang walang love life. Hindi na niya hinahabol iyon. Kung mayroon ay sige, kung wala eh di wala.

Sanay na rin naman siguro si Vina na mamuhay nang mag-isa. Hinahanap din naman siguro niya, pero hindi masasabing magiging malaking kalungkutan sa kanya kung hindi siya makakapag-asawa.

Teejay, walang direksyon ang career?!

Parang kawawa naman ang male star na si Teejay Marquez. Mapapansin mo na lahat naman ginagawa niya para maisulong ang kanyang career. Aminado naman siyang maraming mali sa diskarte niya sa kanyang career noong una, kaya parang napag-iwanan siya ng mga kasabayan.

May panahon namang umangat ang kanyang popularidad sa abroad, kaso noong magsisimula na siya sa malalaking asignments, minabuti muna niyang umuwi kahit na sandali lang sa Pilipinas pero nagkaroon ng lockdown dahil sa pandemic.

Nakasama siya sa isang BL Series sa internet at naging matagumpay naman iyon. Kaso ang mga internet series naman ay hindi pa nakakakuha ng advertising support maski na ngayon, kaya nga wala halos nag-survive sa mga iyon.

Ang serye pa nila na pinagtambalan ng aktor na si Jerome Ponce, medyo mataas nga ang budget kaysa sa karaniwan kaya napansin man, hirap na makabawi sa puhunan. At dahil doon ay hindi na nga rin nasundan.

Naging biktima rin siya ng masamang publisidad.

Kaya ang ending, nanganganib ang kanyang career.

‘Anak’ nina Coco at Julia, ‘di na kinakagat!

Mukhang walang kumagat sa isang social media post na kung saan may picture pang may karga sina Coco Martin at Julia Montes na isang batang babae.

At sinabing first time raw na inamin nina Julia at Coco na totoong may anak na sila. Matagal nang tsismis iyan pero wala namang kumpirmasyon talaga.

Pati nga ang isang child star na kasama nina Julia at Sam Milby sa teleseryeng Saving Grace ay napagkamalan ding anak nila, si Zia Grace.

Kung talagang may anak na ang dalawang iyan, siguradong aaminin din naman nila at iyon na lang ang hihintayin namin. At wala naman tayong magagawa kung ayaw pa nilang umamin.

vuukle comment

HEART

PIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with