Pelikula ni Donald Trump, binigyan ng MTRCB ng R-16

Mapapanood na ang Balota, na unang ipinalabas sa Cinemalaya 2024 at kalahok ngayon sa 44th Hawaii International Film Festival.

Pinagbibidahan ng premyadong aktres na si Ma­rian Rivera, ang Balota ay rated R-13 (Restricted-13) mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).  Ibig sabihin, mga edad 13 at pataas lamang ang puwedeng manood nito.

 R-16 (Restricted-16) naman ang ibinigay sa lokal na pelikulang Guilty Pleasure, starring Lovi Poe na siya ring co-producer.

Sa R-16, mga edad 16 at pataas lamang ang puwedeng manood.

 Ang The Apprentice, sa pangunguna ni dating US president Donald Trump bilang isang negos­yante, ay nabigyan din ng R-16 tulad ng action-horror film na Azrael.

 Nabigyan naman ng R-18 ang Smile 2, na edad 18 at pataas lamang ang maaaring manood.

 Rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) ang Filipino-Japanese film, Crosspoint, na pinagbibidahan nina Carlo Aquino at Takehiro Hira.

Rated-PG din ang mga dokyu-pelikulang Super/Man: The Christopher Reeve Story at Taeyong: TY Track.

Nagpaalala si MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na gabayan lagi ng mga magulang ang mga batang manonood.

Andami palang palabas this week.

Kumusta kaya ang resulta sa takilya?

Show comments