Alden at Kathryn, nagsalita sa second chances!

KathDen

Parehong naniniwala sa second chances and forgiveness ang mga bida ng Hello, Love, Again na sina Alden Richards and Kathryn Bernardo.

Sa grand mediacon ng HLA na ginanap last Thursday ay isa ito sa natanong sa KathDen since the movie is also about second chances and forgiveness.

Ayon kay Alden, “simplehan ko lang ‘yung answer dito – kung Diyos nga nagpapatawad, ‘di ba? Why not?”

Dagdag pa ng aktor, “ako, ‘yun lang kasi ang mantra ko sa buhay, ‘di ba? Especially, you know, people tend to make mistakes over and over again, you know, sometimes, hindi naman natin maiwasan talaga na meron at meron tayong magagawa na ikasasama ng loob ng ibang tao.”

Para naman Kathryn, lahat naman daw tayo ay nais mabigyan ng second chance kapag nagkakamali.

“We all hope for a second chance, definitely. Lahat tayo tao lang, human beings. Even ako sa sarili ko, alam ko na magkakamali at magkakamali ako, makaka-disappoint ako ng tao whether it’s intentional or unintentional. Given ‘yun tao tayo eh, nagkakamali,” pahayag ng aktres.

“Ako, personally, I’d do anything to be given that second chance, that opportunity to correct my wrongdoings, to rebuild relationships, I guess, and maybe to regain trust. All these things, lahat ‘yun part ng forgiveness, siyempre,” dagdag pa niya.

Pero siyempre, hindi naman daw tayo pare-pareho ng pananaw pagdating sa ganitong bagay.

“We have to remember, we’re all different. Some people can give a second chance like Tisoy (Alden), some can give multiple chances, and some won’t. And that’s okay and we have to respect that kasi iba-iba naman tayong tao so depende talaga siya sa sitwasyon,” she said.

Giit din ng akres, hindi raw obligasyon ng isang tao ang magbigay ng second chance or forgiveness.

“For me, lagi kong iniisip na forgiveness or second chances isn’t an obligation, it’s a choice and it’s a gift.

“So, kapag binigay sa ‘yo ‘yun ng tao, it’s a privilege. Just like any gift, you have to take care of that and you have to earn that gift,” pahayag ni Kath.

Samantala, mapapanood na ang much-awaited sequel ng the sequel ng 2019 blockbuster film Hello, Love, Goodbye on Nov. 13 sa mga sinehan sa buong bansa.

Ito ay mula pa rin sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana handog ng Star Cinema, ABS-CBN Films and GMA Films.

Cristy Fermin, talo sa limang libel case nina Sharon at Kiko!

Si Cristy Fermin na mismo ang nag-anunsyo na natalo siya sa limang kaso ng libel na isinampa sa kanya nina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan.

Sa kanyang show na Cristy Ferminute nitong nakaraang Huwebes ay malungkot na ibinalita ni Nay Cristy na bagama’t nagbigay sila ng kanyang abogado ng depensa sa iilang kaso ay natalo pa rin siya sa piskalya kaya’t aakyat na ito sa Regional Trial Court.

“Natalo po ako sa kasong libelo na isinampa nina dating senador Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta. Five counts po ito,” aniya.

Agad namang nagpiyansa si Nay Cristy at sinabing hindi pa tapos ang laban dahil nasa unang hakbang pa lamang sila. “Sa mga nag-aalala at nakikisimpatya sa inyong lingkod, ‘wag po. Unang hakbang pa lamang ito sa piskalya. Aakyat po ito ngayon sa Regional Trial Court (RTC) Makati. Kung ano po ang maganap sa pagdinig dito, mayroon pa po tayong Court of Appeals. ‘Pag hindi pa rin po natin nakuha ang tagumpay, mayroon pa rin pong kataas-taasang hukuman, ang Supreme Court,” pahayag ni Nanay.

Show comments