Mommy ni Kath, bet si Alden

Alam mo, Salve A., isa kami sa naniniwala na kayang pantayan o kung hindi man lagpasan ang record na naitala ng unang tambalan sa pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na Hello, Love, Goodbye na pinamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia-Sampana na siya ring director ng sequel ng pelikula, ang Hello, Love, Again na joint production ng Star Cinema ng ABS-CBN at ng GMA Pictures.

Kalat na ang teaser ng movie at nakakuha na ito ng million of views, isang indikasyon na excited na ang mga tao na mu­ling mapanood sa mga sinehan ang tambalan nina Kathryn at Alden para ipagpatuloy ang kuwento nina Joy (Kathryn) at Ethan (Alden) na dalawang OFWs na nagkakilala at nagkaibigan in Hong Kong na magpapatuloy sa Canada.

Dagdag pa sa excitement ng marami ay ang pagkakalapit sa isa’t isa ng dalawang lead stars ng HLA na parang may espesyal nang ugnayan na nagsimula sa birthday celebration ni Kathyn in Palawan last March.

Kitang-kita rin ang pagkagiliw ng mommy at mga pamangkin ni Kathryn kay Alden, isang magandang senyales na tanggap ng pamilya ng Kapamilya superstar ang Kapuso prized singer-actor.

JK, kay Sylvia lang ‘bumigay!’

Grabe ang pagiging super busy ng bagong lola, ang award-winning actress and producer na si Sylvia Sanchez.

Although nasa gitna ito ng preparasyon para sa nalalapit na first major solo concert ni Juan Karlos or JK Labajo on Nov. 29, 2024 na gaganapin sa SM MOA Arena na pinamagatang juan karlos LIVE, hindi napapabayaan ang kanyang number one role, ang pagiging ina ni Art Atayde at iba pang mga anak at ngayon bilang lola ng kanyang kauna-unahang apo (na ayaw pang sabihin ang pangalan) kina Ria at mister nitong si Zanjoe Marudo.

Kung hindi nga lamang siya busy ay ayaw niyang iwan ang kanyang apo na ngayon pa lamang ay sobra nang spoiled sa kanya.

Kakaiba umano ang joy na dala ng kanyang unang apo sa kanilang pamilya kaya ito umano ngayon ang sentro ng attention hindi lamang ng mag-asawang Zanjoe at Ria kundi maging ng pamilya Atayde.

Puring-puri rin ni Ibyang (Sylvia) ang kanyang manugang na si Zanjoe sa pagiging hands-on dad nito sa kanilang unang baby ni Ria.

Sa gitna ng kanyang pagiging doting lola, hindi nagpapabaya si Sylvia sa kanyang pagi­ging concert producer na first time na gagawin ng Nathan Studios na pag-aari ng pamilya Atayde.

Aminado si Sylvia na matagal umano niyang ‘niligawan’ si JK bago ito napapayag mag-concert sa isang malaking venue. Alam niyang marami nang ibang producers ang nag-attempt na makuha si JK pero wala itong tinanggap at sa kanya lamang pumayag nang maramdaman niyang handa na siya.

“Parang pamilya na rin siya sa amin na gustung-gusto ng pamilya ko laluna si Arjo,” pahayag ng actress, movie and concert producer.

Although malayo pa ang Nov. 29, halos sold-out na umano ang expensive seats, isang indikasyon na may strong following ang Buwan song hitmaker.

Show comments