Trono ni Kris, ipapasa na kay Marian?!

Si Marian Rivera na nga raw ang dapat na tawaging Queen of All Media lalo’t naging top grosser pa sa Metro Manila Film Festival ang pelikula niyang Rewind.

Kung tawagin siya ay Primetime Queen at siya na ang diumano bagong Queen of All Media.

May katuwiran din naman dahil ang sinasabing orig queen of all media na si Kris Aquino, matagal nang hindi nakikita saan mang media.

Noong mawala naman siya sa ABS-CBN ay wala na ring network na kumuha sa kanya para sa isang TV show.   

Kaya nga sinasabi nila na si Marian Rivera na talaga ang dapat tawaging Queen of All Media, mas lamang naman siya kaysa kay Kris na dapat siguro mag-retire na.

At teka mas sikat pa ngayon at pinag-uusapan si Panda, ang aso ni Heart Evangelista na may suot na kuwintas na Bulgari na nagkakahalaga ng halos milyong piso.

Katunayan nga sa panahong ito, naniniwala kaming dapat nang magrebolusyon ang mga titulong gamit sa mga artistang hindi na aktibo at hindi na nababagay sa kanilang titulo. Panatilihin na lang iyong talagang sikat pa, at kung hindi na, alisan na ng title.

KathDen, may akbayan portion na

Aywan namin kung maniniwala kami sa sinasabi ng isang kasama nila sa set na charrot lang ang sinasabing relasyon ng KathDen.

Maaaring naka-move na nga raw si Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla, pero definitely hindi diumano si Alden Richards ang kapalit noon sa kanyang puso.

“Masaya naman sila sa set, pero hindi mo kakikitaan ng romantic feelings eh. Magkaibigan siguro, o sabihin nang magka-love team dahil sa kanilang pelikula, pero definitely hindi mag-syota at hindi magiging mag-syota,” sabi pa ng aming source.

“Aywan pero sa itinagal-tagal ko nang kasama ang mga artista, mahahalata mo kung magiging mag-syota, kina Kathryn at Alden, ni wala akong nakikitang palatandaan. Gentleman si Alden, laging nakaalalay kay Kathryn, pero walang sparkle eh, parang AlDub lang din. Hindi gaya noong KathNiel noon, bago pa sila umamin alam mong mag-syota iyan definitely. Lalo na nga si Kathryn, madali mong mahalata,” ang nagtatawa pang sabi ng kausap naming source na isa sa mga taong nakakasama nila sa shooting ng kanilang pelikula.

Ibang Kapamilya, malungkot ang Pasko

Malungkot na balita, lalo’t magpa-Pasko pa naman. Aabot daw na 100 empleyado ng ABS-CBN ang mawawalan ng trabaho.

Sinabi naman ng kanilang presidente at CEO, si Carlo Katigbak, na ibibigay sa kanila ang lahat ng benepisyo, lalo na’t mahabang panahon silang naglingkod sa network, pero hanggang saan ang itatagal ng retirement pay na iyon kung wala silang makuhang trabaho agad?

Inamin din ni Katigbak na talagang nalulugi ang ABS-CBN.

Natural ang sinisisi pa rin nila ay ang pagkawala ng kanilang prangkisa noong panahon ni Presidente Digong na sa simula pa lang naman ay nagbanta nang titiyakin niyang hindi makakakuha ng prangkisa ang ABS-CBN.

Bagama’t unti-unti ay sinasabing nakakabalik na sila kahit na walang prangkisa, nakapasok pa sila sa dati nilang kalabang GMA Network, pati na rin ang TV5, iyong Zoe TV, at ang kanilang cable facilities, hindi naman daw kalaki ang revenue sa advertisements.

Kaya ganun talaga ang mangyayari.

Show comments