Marian, pinabilib ang viewers; Balota, showing na!  

MANILA, Philippines — Ngayong mas marami na ang nakakapanood, lalong hindi matinag ang pag-ulan ng mga positibong komento sa pagganap ni Marian Rivera bilang Teacher Emmy sa pelikulang Balota na showing na sa mga sinehan nationwide.

Sey nga ng mga nakapanood ng new cut ng Balota, deserve talaga ni Marian ang pagiging Cinemalaya Best Actress dahil nabigyang-hustisya niya ang ginampanang karakter sa isang makabuluhan at napapanahong pelikula. Sa husay nga raw ni Marian at iba pang gumanap na artista, pati na syempre ng buong produksyon, siguradong baon ng lahat ng viewers ang very powerful message na hatid ng pelikula.

Ika nga ng mga kilalang film critics, isa ang Balota sa mga pelikulang hindi dapat palampasin.

 

Show comments