Aktor na may bahid ang kasarian, iwas sa usapang babae!

Napapansin ng grupo ng mga baguhang lalaking artista ang ugali ng aktor kapag may sensitibong topic na silang pinag-uusapan.

Madalas namang sumali sa usapan nila ang isang junior actor na guwapo at maganda ang pangangatawan

‘Yun nga lang, hindi pa nila masyadong kilala ang aktor. Inirerespeto na lang nila ito dahil maayos naman ang pakikitungo sa kanila.

Pero sa nakakakilala na sa aktor, may nagdududa pa rin sa kasarian niya dahil sa edad niya, wala pa rin siyang inilalabas na dyowa.

Kaya naman sa umpukan ng mga baguhang artistang lalaki, kapag napag-uusapan nila ang mga babaeng tipo nila at gustong matikman, unti-unting nawawala sa umpukan nila ang junior actor at nagpapaalam na may gagawin pa siya, huh!

Marian, niyanig ang TikTok!

Niyanig na naman ni Marian Rivera ang TikTok at iba pa niyang account sa social media sa inilabas niyang video na sumasayaw ng Lambada!

Milyon ang hinamig ng video na ito ni Yan na meron pang twist sa middle part ng pagsasayaw, huh!

Sa isang ikot, lumabas ang ka-back-to-back niyang si Sassa Gurl na kasama niya sa pelikulamg Balota na pareho sila ng damit!

Panalo ang bagong entry na ito ni Marian na bahagi rin ng promotions ng movie niyang Balota na showing na sa mga sinehan!

Show comments