^

Pang Movies

Sherilyn, naiyak sa sorpresang proposal ng mister

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa

Sobrang naging emosyonal si Sherilyn Reyes-Tan sa sorpresang natanggap niya mula sa kanyang pamilya kamakailan lang.

Sa Instagram, isang video ang in-upload ng panganay na anak ni Sherilyn na si Ryle tungkol sa isang intimate event.

Mapapanood dito ang surprise proposal ni Chris Tan sa aktres at kanyang asawa.

Sulat ni Ryle sa caption ng kanyang post, “Dad proposes to mom to marry him again on their 25th year.”

Sa unang parte nito, matutunghayan ang seryosong speech ni Chris para kay Sherilyn habang sila ay nasa isang kwarto.

Kasama rito ang napakahalagang linya na talaga namang nagpatulo ng luha ng Sparkle actress.

Sabi ni Chris kay Sherilyn, “If you would have me wala akong ring just like the first time to follow na lang ‘yung ring kasi marami pa tayong kailangang tapusin. But will you marry me again?”

Mapapanood na tumango ang aktres habang umiiyak, hudyat na payag siyang muling magpakasal kay Chris.

Bukod sa proposal, nakatanggap din ng sorpresa si Sherilyn mula sa kanyang mga anak.

Glaiza, nag-tricycle sa wedding anniv nila ng mister

Kinilig ang Running Man PH star na si Glaiza de Castro sa fun anniversary adventure nila ng kanyang asawa na si David Rainey. Pero sabi ng aktres, mas nakakakilig ang mga bulaklak na hatid sa kanya ng asawa sa simula ng kanilang special day.

Sa Instagram, nag-post si Glaiza ng ilang larawan at videos ng key moments nila sa dinaluhang ACL Music Festival sa Texas. Kabilang na rito ay ang litrato ng mga bulaklak na nakalagay sa loob ng vase galing kay David.

“Ito talaga yung highlight e. Obvious ba Di ko mapigilang kilgin at i immortalize yung moment huhu ang saya Thank you Lord,” caption niya sa post.

Binati rin ng aktres ang kaniyang asawa.

Sulat ni Glaiza ay tahimik lang ang simula ng araw nila, bago sila nag-tricycle papunta sa concert grounds. Napanood nila sa concert ang artists tulad ng bandang The Beaches, at artists na sina Remi Wolf, Teddy Swims, Benson Boone, at Dua Lipa.

Unang ikinasal ng traditional Irish wedding sina Glaiza at David noong Oct. 12, 2021 sa isang cliff sa Northern Ireland sa United Kingdom. Noong nakaraang taon, Jan. 23, ay ikinasal silang muli sa Botolan Zambales.

vuukle comment

SHERILYN REYES-TAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with