Kylie, sinagot ang pagbabago ng mukha
Sinagot ni Kylie Verzosa ang comment ng isang netizen na “Mas maganda pa rin nung natural pa.” Na ang ibig sabihin ng netizen, mas maganda si Kylie noong hindi pa ipinaaayos ang mukha.
Sagot ni Kylie, “Never ka naman maganda” na umani ng sari-saring reactions sa netizens.
Marami ang nag-agree na nabago ang mukha niya at nagtanong pa nga kung ano ang nangyari sa kanyang mukha? May gustong malaman kung aling parte ng mukha niya ang kanyang ipinaayos? Saka, bakit daw kailangan niya ng enhancement, ang ganda na nga niya.
Kita naman daw na malaki na ang nabago sa mukha nito.
Pero, mas marami ang naniwala na bashing at negative comment ang ginawa ng basher, kaya kailangan lang daw na sagutin siya ng ganu’n ni Kylie. Hindi lang daw ang netizens ang may karapatan ng nega comment, may karapatan din ang mga celebrity na sagutin ang mga bashing at paninira sa kanila.
KC, naglulublob sa yelo para pumayat!
Marami nito ang gagaya sa fitness routine ni KC Concepcion, lalo na ‘yung paglublob niya sa malamig na tubig. Hindi na ito masyadong bago sa ilang Pinoy na may sinusunod na routine para pumayat, pero may mga nagpahayag pa rin na gagayahin nila ito.
Pinost ni KC ang reels ng paglublob niya sa malamig na tubig at feel mong sobrang lamig ng tubig dahil napapikit pa siya. Later on, nasanay na ang body niya sa cold temperature at ilang minutes din siyang nakalublob.
Sabi ni KC, “A little cold plunge, a litte sauna... lotsa pilates & ashtanga yoga. All in my fitness routine!”
Positive ang comments ng followers niya, may ilan kaming nabasa na ita-try nila ang cold plunge ni KC na ang iba ay may kasama pang yelo.
Vice, nakiisa sa gig workers!
Malaki ang tiwala at paniniwala ni Vice Ganda sa Angkasangga Partylist, kaya suportado niya ito at ang advocacy ng grupo. In fact, opisyal niyang in-endorse ang nasabing partylist na pinamununuan ng CEO ng Angkas na si George Royeca.
Present si Vice Ganda sa announcement na papasok sa pulitika si George Royeca na ginawa noong Oct. 5 at aprubado kay Vice Ganda ang advocacy ng Angkasangga Partylist na para sa “rights and recognition of gig and informal workers in the Philippines.”
- Latest