Max, may vacation house na sa Bora!

Max Collins

Ang bongga naman ni Max Collins at kaibigan niyang si Janina Manipol na nagbukas ng sarili nilang vacation house sa Boracay.

Ipinost ni Max ang mga litrato ng iba’t ibang bahagi ng kanilang Bali-inspired villa, na nagsimula lamang daw sa hilig sa island life at pag-travel.

Katuwaan lang daw ito habang nagkakape sila sa Los Angeles, pag-inom ng mojitos sa Bali, pagkain ng peking duck sa Hong Kong at pag-inom ng champage sa Bohol at ang ideya raw na iyon ay naging pangarap nila at heto na nga at naging realidad na.

Noon pa sinasabi ni Max ang pagkagusto niya sa island life lalo na sa sikat na white sand beach ng Boracay.

Pero ngayon ay mas mapapamahal na siya sa local island dahil nga opisyal na nilang binuksan ang kanilang villa sa Boracay.

Marami nga raw silang sinakripisyo para mabuo ang dream vacation house nila kaya hindi na sila makapaghintay na masubukan ito ng lahat.

Tumatanggap na sila ng booking para sa buwan ng Nobyembre at mukhang ngayon pa lang ay marami na ang interesado.

Napaka-cozy raw kasi ng lugar dahil sa all-white interior nito na ang furnitures ay gawa sa kahoy na nakaka-relax tingnan.

Makikita rin sa ipinost na video ng aktres na magkatulong nilang inayos ng anak nila ni Pancho Magno na si Skye ang villa.

Show comments