Lovi, makatotohanan sa korte!

Lovi Poe

Muling pinatunayan ni Lovi Poe ang kanyang husay bilang aktres sa pelikulang Guilty Pleasure na pinagbibidahan nila nina JM de Guzman at Jameson Blake.

Napanood na namin ang pelikula sa ginanap na red-carpet premiere night last Tuesday at kahit alam na naming maga­ling naman talagang aktres si Lovi, natulala pa rin kami sa kanyang napakahusay na performance bliang Atty. Alexis Miranda sa Guilty Pleasure.

Mula simula hanggang katapusan ay consistent ang kanyang husay lalo na nga sa kanyang court scenes na may pagkaha-habang dialogues.

Natatandaan nga naming nang ma-interview namin si Lovi sa mediacon ng pelikula kamakailan, sinabi niyang minemorize niya talaga ang kanyang mga court dialogue at araw-araw niya itong nire-recite bago pa man nagsimula ang shooting.

Sa loob daw ng isang araw ay mga 10x daw niyang nire-recite ang kanyang mga linya at ginawa niya ito for 2-3 months.

Kaya naman nag-pay off lahat ang kanyang effort and hard work dahil sobrang husay niya sa movie.

At umaatikabo rin ang daring scenes ng aktres with her two leading men and we must say na mas naging hot and sexy pa siya ngayon kaysa noong dalaga pa siya.

Hindi rin naman nagpahuli sina JM and Jameson na parehong may kanya-kanyang highlight and steamy scenes with Lovi.

Nagpatalbugan din ang dalawang aktor sa kanilang butt exposure at ang tanungan nga ng mga bading after watching the film ay kung sino ang mas may makinis na pwet between the two actors.

Na-impress din kami sa baguhang aktor na si Dustin Yu sa performance niya bilang rape suspect na idinepensa ni Atty. Miranda. For a newcomer, very promising ang aktor at mukhang dedicated din sa kanyang craft.

Lastly, a big congratulations to direk Connie Macatuno for a job well done. Tama naman sila ni Lovi when they said that Guilty Pleasure is not just a sexy film at naipakita talaga ng direkor ang depth ng pelikula.

Siyempre, congrats din kay Lovi dahil first venture niya ito sa movie production under her C’est Lovi Productions kasosyo ang Regal Entertainment.

Nagsimula na ang showing ng Guilty Pleasure kahapon (Oct. 16) sa mga sinehan.

Liza, nagsalita sa paglayas kay James

Nagsalita na si Liza Soberano sa dahilan kung bakit siya umalis sa pangangalaga ng Careless Music ni James Reid.

Matatandaang inanunsyo mismo ng Careless last month na naghiwalay na sila ng landas ni Liza at kinumpirma rin ito mismo ni James sa kanyang panayam at sinabing ang aktres mismo ang nagdesisyong umalis sa kanyang management at maayos naman daw ang kanilang paghihiwalay.

Sa latest interview ni Liza sa Preview, sinabi niyang nagpapasalamat siya kay James at sa dating business partner ng aktor na si Jeffrey Oh dahil nag-grow siya as an artist because of them.

“Through James and Jeff, I was able to find my voice as a woman in entertainment and grow as an artist and entrepreneur in ways I could’ve never ima­gined,” pahayag ng aktres.

Kung bakit siya nagdesisyong iwanan na ang Careless, sey ni Liza, “Careless’ focus has always been on music. The goal was always to build my own team and gradually shift to more international opportunities.”

Liza is now being managed by Transparent Arts in the US na siyang tumulong sa kanya para makuha niya ang role sa Hollywood film na Lisa Frankenstein.

Pumirma rin siya sa artist agency na Verve a few months ago.

Show comments