Ruffa, may parinig sa pagsusunog ng tulay!
Panalo si Annabelle Rama, hindi lang isa, kundi apat ang Labubu bag charm na nakasabit sa kanyang bag.
Mas lalo namang hindi nagpatalo si Ruffa dahil ang bilang namin, lima ang Labubu na nakasabit sa bag niya. Bukod doon, may dala-dala pa siyang malaking doll.
Sa nag-comment na sabay sa uso si Annabelle, sabi ni Ruffa, “she wants to buy outfits for her labubus lol.” May nagbiro pa na kaya out of stock ang Labubus dahil inubos ni Annabelle kaya curious tuloy kaming malaman kung ilan na ang collection ni Annabelle nito.
Sa isang post ni Ruffa, may hawak siyang Labubu at sabi, “rediscovering the magic of my inner child.” Ito talaga ang isang naibibigay ng Labubu at Pop Mart dolls, ibinabalik ang ating childhood, kaya ‘wag maging nega sa mga nagko-collect nito.
And speaking of Ruffa, marami ang na-curious sa caption niya sa kanyang post na “Burned bridges, lessons learned- stronger than ever. Here’s to conquering every battle with scars that shimmer like armor.”
Tanong ng netizens, may pinatutungkulan ba si Ruffa sa kanyang caption o wala lang ‘yun?
Neil, nagparamdam kay Julie Anne
Pinusuan ng netizens ang Facebook post ni Neil Arce patungkol sa naging controversial church issue kay Julie Anne San Jose. Marami rin ang nag-share and by now, baka nakarating na kay Julie at sa Sparkle GMA Artist Center.
Sabi ni Neil, “Saw The issue about Julie Anne San Jose singing in church. I saw her and her network apologize as well. Why apologize? Let’s all remember we were made in His image and likeness. We have a sense of humor because God has a sense of humor, we enjoy listening to music and seeing people dance because God likes listening to music and seeing people dance as well! Why would he give us these talents if he doesn’t want us to use it? I guarantee you mas hindi nagustuhan ng Diyos ang mga nag Judge sa kanya.”
Nagpasalamat ang Kapuso fans kay Neil, pero ang ibang netizens, hindi pa rin maka-move on sa nangyari. May mga namba-bash pa rin kay Julie, kaya maganda ang ginawa nito na limited ang nakakapag-comment sa kanyang Instagram.
Voltes V..., tuloy ang showing sa Japan
Ang good news ni director Mark Reyes tungkol sa Voltes V: Legacy na kahit naipalabas na sa telebisyon dito ay gumagawa pa rin ng ingay sa Japan. “We’re Japan bound! @migueltanfelix_ @ysabel_ortega @radsonflores @martinmigueldelrosario @gabbyeigenmann will grace the special 1st Day screening of @voltedvlegacy ultra electromagnetic Japanese dubbed version. We would like to meet you Japan based #voltesvlegacy Pinoy fans this coming weekend.”
Ibinalita rin ni direk Mark na may Voltes V mania all over Japan at pinost ang promotional items, official movie merchandise at product branding. Kasama sa promo item ang poster ng GMA 7 adapted series at makikita ang mukha ng Kapuso actors na kasama sa cast.
Sa Friday, Oct. 18, ang showing ng Japanese dubbed edition sa doon at maririnig na nagsasalita in Japanese ang Kapuso actors.
- Latest