Maricel, sinadyang ilihim ang operasyon ng mister

Maricel Laxa at Anthony Pangi­linan

Sumailalim pala sa heart surgery ang mister ni Maricel Laxa na si Anthony Pangi­linan.

Nagpapalakas na raw ito at nagpapasalamat si Maricel sa naging successful na operas­yon sa kanyang mister.

“He’s doing much better. He’s back to work. Nagtatrabaho na, nagwo-walking, lahat. I mean, that’s the only way he will heal. Araw-araw is a day to be thankful for. The good, the bad, the ugly, everything is a gift. Every day is a gift.”

Two weeks na raw nakalabas ng ospital si Anthony. Tatlong linggo raw silang nagbantay sa ospital after the heart surgery.

“We didn’t want to make it public. We just wanted a private time para sa pamilya so that we could heal properly, all of us. Kasi kapag dumadaan sa ganitong challenge sa buhay, kailangan ng suporta ng bawat isa. And so we went through it quietly and it’s the most beautiful thing to go through together,” sey ni Maricel na inabot daw ng 12 hours ang operasyon kay Anthony.

Mas maaalagaan daw ni Maricel ang mister dahil nagpaalam na ang character niya sa GMA teleserye na Lilet Matias: Attorney-At-Law. 

Aktor na produkto ng dance contest, lumulubha ang sakit

Tila lumulubha raw ang sakit ng aktor na ito  na produkto ng isang dance contest sa TV.

Ayon sa source, nagsimula raw sa anxiety at depression ang sakit ng aktor. Hanggang sa magkaroon na ito ng mga pantal sa katawan niya. Nasundan pa raw ito ng paglagas ng kanyang buhok at tinubuan din siya ng mga sugat sa braso, dibdib, likod at sa labi.

Bumagsak na rin ang dating matipunong katawan ng aktor dahil hindi raw ito makakain at makatulog nang tama.

Hinihikayat ng mga kaibigan ng aktor na magpatingin ito sa espesyalista dahil may mga sintomas siya ng isang auto-immune disease. Nagpa-HIV test na rin daw ito at negative ang resulta.

Dasal ng marami na gumaling ang aktor dahil napakabait daw nito sa lahat ng mga nakatrabaho niya.

Mga rampadora ng vs, balik-entablado

Nagbalik sa pagrampa sa runway ang mga nagretiro na supermodels dahil sa muling pagbalik ng Victoria’s Secret Fashion Show.

Rumampa ulit ang original VS angels na sina Tyra Banks, Adriana Lima, Candice Swanepoel, Kate Moss at Behati Prinsloo. Sinamahan sila nina Gigi Hadid, Bella Hadid, and Ashley Graham.

More than 20 years na raw nagretiro sa runway si Tyra at happy siyang maging VS angel ulit sa isang gabi.

“You are…Never too young to SMiZE. Never too old to DREAM. As I walk, think about YOUR dreams, what YOU want to accomplish. Don’t ever stop DREAMING. YOU GOT THIS!” sey ng 50-year-old supermodel-turned-business mogul.

Taong 2019 nung kanselahin ang annual event VS Fashion Show dahil sa naging problema ng brand internally and externally.

Show comments