Paolo, emo sa regalong motor ni Gary!

Gary at Paolo

Ang bongga naman ni Gary Valenciano na niregaluhan ang anak na si Paolo ng motor.

Ito pala ang birthday gift ng Mr. Pure Energy sa anak.

Nag-post ito ng kanyang pagbati kay Paolo na 40 years old na. Hindi nga raw makapaniwala si Gary na apat na dekada na nila itong kasama at ganoon na rin siya katagal sa stage na double celebration pala sa kanila.

Lagpas daw sa kanyang wildest expectations ang ginawa nitong pagtulong sa kanyang concert na One Last Time kamakailan kung saan nagsilbi itong director ng tatay niya.

Hindi nga raw siya makapaghintay na makaapak ulit sa stage sa ilalim ng direksyon nito. Sabik na raw siya sa plano ng Diyos para sa anak at pamilya nito.

Isa nga sa pinaka-in demand na concert director ngayon si Paolo.

Naging emosyonal naman si Paolo sa regalo ng ama at makikita sa post niya kung gaano siya na-touch sa regalo nitong motor.

“Ma, pwede na ako sa slex, love you,” caption niya.

Marami nga ang naka-relate na netizens sa kanya na maaa­ring naging emosyonal ito dahil matagal na nitong gusto ang motor na iyon na hindi raw biro ang presyo.

Iba rin daw kapag na-appreciate ng anak ang regalo na bigay ng magulang. 

Bongga.

Show comments