JK, handang makipag-ayos kay Darren!

JK

Bilang selebrasyon sa kanyang ika-10 anibersaryo sa showbiz ay nakatakdang magdaos si Juan Karlos ng kanyang very first major concert na gaganapin sa Nov. 29 at the SM Mall of Asia Arena.

Titled Juan Karlos Live, ang naturang concert ay produced ng Nathan Studios na pag-aari ng Atayde family. “This is a dream come true. This proves that there is room for everyone in the music industry. I’ve always wanted it, and it’s finally happening thanks to Nathan Studios, who believes in my worth and ar­tistry,” says Juan Karlos.

Sa mediacon na ginanap kahapon ay nabanggit nga ni Sylvia Sanchez ng Nathan Studios na inabot ng tatlong taon bago niya napapayag si JK to have his first major concert dahil feeling ng binata ay hindi pa siya ready.

Inamin din naman ito ng singer at aniya, “I don’t think you’ll ever be ready for something, ‘di ba? I mean, no matter how much you prepare for something, being ready was like one thing that you can be like, ‘ah, ready na ‘ko.’ Alam mo ‘yun? Kahit pilitin mo pa, never kang magiging ready.”

Pero nagmarka raw sa kanya ang sinabi ni Ibyang (Sylvia) na hindi lang ito para sa kanya kundi para sa fans niya na gusto siyang makita at mapanood. “It really made me think na parang ‘oo nga, ‘no? Hindi ko naisip ‘yung perspective na ‘yun,’” aniya.

“The concert’s production team is working hard to polish all the elements needed in order to provide the greatest possible concert experience for everyone. Of course, they’ll hear and see me perform my hits as well as a few songs that have influenced me as an artist,” saad ng singer/actor.

Sa naturang mediacon ay ibinalita nga ni Ibyang na sold-out na ang pinakamahal na tiket na SVIP section kaya naman masayang-masaya rin si JK nang malaman ito.

Samantala, sa group interview after the Q&A portion ay diretsong natanong si JK kung okay na ba sila ng nakaalitang best friend na si Darren Espanto.

Nasubaybayan din kasi ng mga taga-showbiz at kani-kanilang fans ang kanilang friendship hanggang sa magkaroon sila ng falling out in 2018. Since then ay inaabangan na ng lahat ang kanilang reconciliation dahil marami ang nanghihinayang sa kanilang pagkakaibigan na nagsimula pa sa The Voice Kids kung saan sila parehong naging contes­tant.

Naging honest naman si JK at sinabing hindi niya raw sana ito gustong pag-usapan muna pero open naman daw siya sa possibility ng pagkakaayos. “It’s not something I wanna talk about, definitely. It’s not something that’s part of my day-to-day thoughts.

“Ako naman, on my end, without mentioning anybody, it’s really… we’re all grown-ups here and ako, more than anything, love is what matters most.

“So, alam mo ‘yun, my door is open wide in terms of… Diyos ko naman, talagang mai-stress pa ba tayo sa mga ganyang drama? Ang dami kong drama sa buhay,” nakangiti niyang sey.

“I’ve always been fine, actually, I’ve always been open, I’ve always been kind and I will never speak on other people’s behalf. For my end, ako, there’s nothing negative on my end,” pahayag pa ni JK.

Nabanggit din sa kanya ng press na sana ay magkaroon sila ng collaboration ni Darren at sey niya ay open naman siya tungkol dito. “Again not talking about somebody, mentioning anybody specifically but we have amazing artists here and we have amazing performan­ces and all of these issues and things aside, it doesn’t take away that kind of talent and skills that these people have,” he said.

When asked kung may nag-offer na ba sa kanya for a collaboration with Darren, sey ni JK, “it’s always there. But then again, more that anything it’s really time that heals all wounds. It’s really time and growth that heal all wounds.”

Iginiit muli ng singer/actor na para sa kanya ay tapos na ang issue nila ni Darren lalo pa nga’t mga bata pa sila noong mangyari ang kanilang alitan. “And again, in relation to this topic, anything for my end, I’m open and I am way past all of those things and now, I’m just really focused on the concert,” sey ni JK.

Samantala, tickets for juan karlos Live are avai­lable at all SM Tickets outlets. The concert will be directed by Paolo Valenciano with Karel Honasan as musical director.

Show comments