Mga scammer lalabanan ni Andrea

Andrea Brillantes

Bongga naman ang inilunsad ng ABS-CBN na Spot the Scam campaign tampok ang Kapamilya stars na sina Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Maymay Entrata, Robi Domingo, at ang grupong BINI.

Ito raw ay upang  labanan ang paglaganap ng scams sa social media.

Nagbigay ang paborito kong si Andrea ng mga halimbawa ng iba’t ibang pagpapanggap na ginagawa ng scammers online at mga paalala kung paano hindi maging biktima ng mga ito.

May hatid ding paalala ang nation’s girl group, BINI, kung paano matitiyak na totoong tao ang mga nasa likod ng profiles online.

Nagbigay babala naman si Kyle sa pinsalang dala ng panonood ng mga palabas na pinirata, tulad ng virus at malware.

Inisa-isa nina Maymay at Robi ang mga paraan kung paano magsuri ng deepfake content.

Bongga ito, malaking bagay ang ganito sa mga kababayan nating nagpapanggap na digital creator pero sa kalaunan ay naloloko ng mga scammer dahil napapaniwalang may paraan para kumita ng malaki agad-agad.

Naku kaya ‘wag magtanga-tangahan ha. Alamin kung paano labanan ang mga scammer na walang kaluluwa.

Hahahaha. Yes, mga wala silang kaluluwa.

Babu.

Show comments