Hipon, natatakot sa bagong gagawin!

Herlene Budol

Pagkatapos magbida sa revenge drama na Magandang Dilag, magbabalik sa GMA Afternoon Prime ang comedian-turned-beauty queen na Herlene “Hipon Girl” Budol sa bagong series titled Binibining Marikit.

Excited na raw si Herlene sa bago niyang karakter na si Ikit at the same kinakabahan dahil mahirap daw tapatan si Gigi/Greta V sa Magandang Dilag.

“Na-e-excite po ako at may kaba, may pressure. Ibang-iba talaga ‘to pero natatakot ako na ‘Kaya ko bang tapatan ‘yung ginawa ko last time?” sey pa ng TiktoClock host.

Makakasama ni Herlene sa bagong serye ay si Pokwang na unang nagbalita sa kanya tungkol sa serye.

R. Kelly nakarma sa anak

Sa pamamagitan ng two-part documentary na “Karma: A Daughter’s Journey,” siniwalat ng 26-year old daughter ng convicted R&B singer R. Kelly na si Buku Abi na inabuso siya sexually ng kanyang sariling ama nung 8 years old siya.

Ayon kay Buku: “For a long time, I didn’t even want to believe that it happened. I didn’t know that even if he was a bad person that he would do something to me. I was too scared to tell anybody. After I told my mom (Drea Kelly), I didn’t go over there anymore. Even up until now, I struggle with it a lot.”

Kahit na nung mag-file ang ina ni Buku ng complaint laban kay Kelly, walang nangyari dahil itinanggi ito ng singer.

Kaya laking tuwa ng mag-ina nung ma-convict si Kelly noong 2019 para makulong for 20 years for child pornography and sex trafficking.

Nakilala si R. Kelly dahil sa 1996 hit song niyang “I Believe I Can Fly.”

Show comments