MANILA, Philippines — Manatiling nakasubaybay sa pinakamainit at trending na paksa sa unang video podcast, Ano Na Tea? na inilunsad noong Sabado (Oktubre 12) sa YouTube channel ng GMA Public Affairs!
Hosted by beauty queen and comedienne Herlene Budol and Unang Hirit host Anjo Pertierra, ang buhay na buhay na duo na ito ay naghahatid ng bago at nakakatuwang pananaw sa mga pinakapinag-uusapang isyu sa kasalukuyan.
Asahan nga raw ang mga hindi na-filter na pag-uusap at playful banter habang tinatalakay nila ang lahat mula sa paghahanap ng pag-ibig sa mga dating app at achieving a healthy work-life balance, sa pagbabahagi ng kanilang mga pinakanakakatakot na paranormal na pagkikita – just in time for the Halloween season.
Sa unang episode, sinagot nina Herlene at Anjo ang tanong na: “Hanggang saan dapat tumanggap ng utang na loob sa magulang?”
Bago mag-host ng podcast, nauna nang binandera ni Herlene ang drama series na Magandang Dilag at naging bahagi rin siya ng Black Rider, na naging massive ang popularity sa kanyang nakaka-relate na katatawanan at kaakit-akit na personalidad.
Samantala, si Anjo ay isang dating professional volleyball player na naging media personality, na tinatawag ng fans na Crush ng Bayan.
Magkasama, nakatakda silang aliwin ang mga manonood sa pamamagitan ng pagbuhos ng pinakabagong tsaa sa mga pinakanauugnay na paksa ngayon.
Bagama’t maaaring ikinagulat ng marami ang pagtatambal nina Herlene at Anjo, may rebelasyon na ibabahagi ang dalawang Kapuso personalities.
“Tinanong ko ‘yung production team kung bakit kami ni Anjo ang magiging host ng podcast,” says Herlene. “Wala naman silang alam sa friendship namin ni Anjo before. Best friend ko kasi siya before, kaya nakaka-excite na kami ang magkakasama para rito,” she disclosed.
Si Anjo, na tuwang-tuwa rin sa nasabing proyekto ay nagpahayag ng kanyang kasabikan tungkol sa pakikipagtambal kay Herlene.
He also hints at what viewers can expect: “Noong nalaman ko na gagawa kami nitong podcast, na-excite ako kasi ang daming insights na mabibigay ni Herlene from a different perspective. So, masaya ako na siya ang naging co-host ko. Excited na excited na akong lumabas itong aming podcast. Sana po tangkilikin ito dahil sobrang makabuluhan, kuwela, at makulit ang kada episode na ilalabas sa “Ano na Tea?”
GMA at TV5, kumpetisyon sa mga marites?
Bukas pa lang, (Miyerkules) ang magaganap na press conference ng bagong programa ng TV5 na Quizmosa hosted by Ogie Diaz, pero ito pala ang bagong segment ng variety show ng GMA Network na TiktoClock!
Yup, bukod nga raw sa exciting time-limited games at tapatan ng mga mahuhusay na singer sa Tanghalan ng Kampeon, may ipakikilala ring bagong segment at laro ang show. ‘Yan ang Quizmosa, kung saan makaka-chismis ka na, may cash prize ka pa!
Paano kaya ‘to?
Nagpasalamat na rin ang kaibigang Ogie sa aniya ay bagong challenge sa kanyang buhay.
Aniya sa isang post : “Kinakabahan ako. Charot. Pero wa echos, nae-excite ako kasi panibagong challenge ito sa buhay ko.
“Kung kelan naman nagkakaedad na, saka naman nabibigyan ng mga ganitong pagkakataon, choosy pa ba? Hehehe. Thank you, Papa God!
“Samahan nyo kami nina Jegs Chinel, Ton Soriano, ha?
“Thank you sa TV 5 sa pasabog na pag-welcome. Me pa-billboard pa silang nalalaman, kaya sana, ma-meet namin ang expectations ng management.
“Yes, bago pa ho ako nakipag-meeting sa creatives ng tv5, nagpaalam po ako sa aking nirerespetong Channel Head ng ABS-CBN, si Tita Cory Vidanes, at nakakuha naman tayo ng basbas, kaya thank you, Tita Cory! I love you!”
Tiyak na may sagot dito ang TV5 sa gaganaping presscon bukas.