Xian, may lisensya sa pagpapalipad ng eroplano!

Xian Lim

Ang bongga naman ni Xian Lim na meron nang student pilot license.

Ipinost ng aktor ang lisensya niya at sinabing “feels like the first time I got my license.”

In fairness naman daw sa ex ni Kim Chiu, hindi raw ito tumitigil sa pagtratrabaho.

Hindi raw yata uso sa kanya ang burnout at gusto laging may ginagawa.

Ganito rin daw kasi ang ginawa nito noong panahong naging madalang ang oportunidad niya sa TV series, pinasok nito ang pagdidirek at ngayon naman ay ang pagpipiloto.

Multi-talented nga raw talaga ito at pinatunayan niyang hindi siya basta madudurog ng mga troll at basher.

Ibang-iba nga raw ang LTO license kumpara sa Student Pilot License na iilan lang ang meron kaya achievement daw talaga ito ayon sa fans na dapat lamang niyang ipagmalaki.

Hindi rin daw biro ang gastos sa aviation school at hindi rin madali ang mag-aral nito.

Dagdag points daw ito at mas marami pa siyang mai-inspire sa pagpipiloto.

Sey nga ng ibang netizens, dito na raw kaya ito magiging abala at iiwan na ang kanyang showbiz career?

Show comments