^

Pang Movies

That’s… members nag-reunion, ‘di nakalimutan si Kuya Germs

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
That’s… members nag-reunion, ‘di nakalimutan si Kuya Germs

Tumawag sa amin ang ever loyal na secretary ni Kuya Germs (German Moreno), si Carmelites, dahil sa ginawa nilang reunion ng That’s Entertainment. Lagi namang mga ganitong petsa sila talaga nagtitipun-tipong muli para rin i-celebrate ang birthday ni Kuya Germs. Isa pa, it is one time na nagkakasama-sama silang muli kahit na sa ngayon ay magkakahiwalay na ang takbo ng kanilang buhay.

Marami sa kanila ay sikat pa, pero may iba ring wala na sa showbusiness, may pamilya na at may mga sariling negosyo. Pero sa reunion nila, magkakasama na naman silang lahat, walang pagtatangi at parang tunay na magkakapatid.

Iyon naman ang sinasabi ni Kuya Germs noong araw pa, “hindi naman lahat sila ay mananatili sa showbusiness habang buhay. May sisikat sa kanila at mayroong hindi, pero gusto kong makatulong na kahit na papaano, kahit sandali ay matulungan sila sa kanilang ambisyon. Iyong hindi nila masasabing walang nagbigay sa kanila ng pagkakataon. Ako man dumaan din sa ganyan. Nagsimula ako sa stage shows, naging extra, hanggang sa naging artista na nga at direktor.

“Iyang Master Showman, hindi ko inisip iyan noon. Masyadong mataas na ambisyon iyan. Janitor lang ako sa Clover, at naging telonero, ang taas noong Master Showman.

“Kung nakita mo ba iyang nakapila para mag-audition papansinin mo. Eh kumanta, magaling pala, di sumikat. Pero hindi basta magaling lang, nagtiyaga at may nagbigay ng pagkakataon,” sabi ni Kuya Germs at kung iisipin tama siya.

Kabilang sa mga dumalo sa nasabing reunion sina Ruffa Gutierrez, Vina Morales, Sunshine Cruz, Nadia Montenegro, Ara Mina at at marami pang iba.

Sayang lang, hindi namin napuntahan ang That’s Reunion.

Ate Vi, walang hinagpis sa buhay

Nabigla kami kahapon dahil may pumasok na isang voice message na galing kay Ate Vi (Vilma Santos) wala namang bago, natuwa lang daw siya dahil nakita niya ang maraming posts tungkol sa naging dinner namin kasama ng Vilmanians.

Masyado raw siyang abala ngayon sa trabaho at gusto na niyang maharap ang nangyayari sa Batangas dahil nagbabanta na naman daw ang Bulkang Taal.

“Kausap ko nga si Luis (Manzano) at si Ryan, binilinan ko na what to do, and who to call kung may mangyari man sa Taal. Of course ipinagdarasal ko na sana naman wala. Pero alam mo naman bulkan iyan, at active talaga. Hindi mo masasabi kung ano ang mangyayari. Basta sinasabi ko nga convince people to go to safe areas. Matagal na iyan sinasabihan sila na umalis na sa volcano island talaga pero hindi mo naman sila masisi, narooon ang kabuhayan nila at hindi nila alam kung saan naman sila lilipat.

“That will be one of the priorities, kung loloobin ng Diyos na magbalik tayo roon, hindi na dapat eva­cuation site eh, na kailangan mong isipin every time na may emergency, dapat relocation site na, iyong ligtas sila sa bulkan at maging sa mga baha o kung ano pa mang kalamidad,” mahabang mensahe ni Ate Vi.

As usual iyong chat namin ay nagtapos sa “I love you’s at take care always.” Ganyan naman talaga lagi si Ate Vi.

Ang maririnig mo sa kanya laging pleasant, hindi problema, hindi hinagpis. Kaya tingnan naman ninyo, parang hindi tumatanda.

Male starlet, mas pinili ang kahalayan

Ang tanong, “quo vadis” literally saan ka pupunta?

Iyan ngayon ang tanong ng isang male starlet sa sarili matapos na gumawa ng isang BL series na aminado naman siyang may kahalayan. Hindi na siya maaaring luminya sa wholesome roles na kanyang pangarap. At malamang sa internet streaming na lang siya at hindi na mapapanood sa mga sinehan.

Masyado rin kasi siyang nagmadali eh.

Kaya ang mangyayari, magagaya na siya sa iba, papayag na halayin sila para kumita ng pera. Marami rin naman siyang kakilalang bading na interesado sa kanya eh.

GERMAN MORENO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with