Marian, ‘di pa sigurado kung uulit sa Fashion Week!

Dingdong Dantes at Marian Rivera

Proud si Dingdong Dantes sa asawa niyang si Marian Rivera na bida sa pelikulang Balota na magso-showing na sa mga sinehan sa Oct. 16.

Pagkatapos ng premiere night nung Biyernes na ginanap sa Gateway Cinema, nag-post siya sa kanyang Instagram account.

Sinabi namin kay Dingdong na tamang-tama na pagkatapos ng filing ng candidacy para sa midterm elections, saka mag-showing ang Balota. Tamang-tama lang, ‘di ba?
“Dapat manood sila ng Balota. Sana maraming makapanood,” napangi­ting sagot sa amin ni Dingdong.

Mas pinaganda nga nila itong Balota na may konting binago sa ipinalabas sa nakaraang Cinemalaya 20.

Doon na rin sa premiere night ay pinatsika namin kay Marian ang pagdalo niya sa Milan Fashion Week.

“Kasi nagpunta ako dun for Kiko Milano. Pinatawag ako kasi may project kami na gawin. Tapos, ginawa namin ‘yung next campaign namin sa Milan,” pakli ni Marian.

Tinanong namin kung dadalo ba siya uli sa susunod na fashion week.

“Tingnan natin, pero alam ko sa iba naman ako pupunta, dun ‘yung campaign din,” sabi ni Marian.

Samantala, suportado naman ng Kapuso stars ang nakaraang premiere night nito na magkasabay na ipinalabas sa tatlong sinehan para ma-accommodate ang fans na dumating doon.

Dumalo roon ang mga executives ng GMA 7 na pinangunahan ni Atty. Annette Gozon-Valdes.

Kapansin-pansin ang mga magdyowang dumating doon na sina Ruru Madrid at Bianca Umali, Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, Kate Valdez at Fumiya Sankai, at Kyline Alcantara at Kobe Paras.

Napangiti lang si Kyline nang hiningan ng reaksyon sa sinabi ni Manay Lolit Solis na kinairita ni Kobe Paras.

Show comments