^

Pang Movies

Kobe, precious jewel ang turing kay Kyline!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kobe, precious jewel ang turing kay Kyline!
Kobe at Kyline

Siguro hanggang ngayon nahihiya pa si Benjie Paras doon sa naging incident namin ni Kobe Paras.

Nakakatuwa nga na ganun ka-prangka si Kobe ‘pag meron siyang narinig na ayaw niya.

Ang suwerte talaga ni Kyline na may BF na tulad ni Kobe na talagang ipinagmamalaki siya at handang ipagtanggol sa mga hindi niya gustong naririnig.

Talagang parang isang precious jewel si Kyline para kay Kobe.

Kaya naman lalo pa akong humanga dahil imagine mo kung ganu’ng kalaki ang love ni Kobe, napakasuwerte talaga ni Kyline.

For me ok lang dahil parang anak ko na rin si Kobe dahil kay Benjie. Huwag lang sanang maka-encounter ng medyo pikon si Kobe dahil baka makatikim siya ng violent reaction.

Case closed na sa akin ito, hoping for a happy ending for Kobe and Kyline para bongga. Kahit hindi ako ma-invite, happy na ako, hah hah, bongga.

Mukhang wala na rin naman silang itinatago sa kanilang relasyon dahil spotted sila sa premiere night ng pelikulang Balota bilang suporta kay Marian Rivera at holding hands silang rumampa sa red carpet.

Kumalat din ang videos nila na magkatabi habang nanonood na lutang ang pagka-sweet nila sa isa’t isa na pati raw ang mga lola ay kinikilig sa kanila.

vuukle comment

KOBE PARAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with